"Nasaan na ba iyon? Dito ko nakitang bumagsak yun" tila baliw kong kinakausap ang aking sarili habang hinahanap yung singsing sa damuhan
Mula sa pagkakayuko ay inunat ko ang aking katawan at hinamas ang aking batok na sobrang ngawit na sa pagyuko. Dahan dahan kong inistretch ang aking ulo na parang nagwawarm up sa isang workout routine.
Napa buntong hininga ako ng marealize kong papalubog na ang araw. Ayokong nakakakita ng papalubog na araw. I hate sunset, pinapaala lang nito sakin yung panaginip na tila parang totoo at parte talaga ng nakaraan ko. Ibinalik ko ang focus ko sa paghahanap ng singsing,Kailangan ko ng makita yun bago pa tuluyang magdilim at magsara itong school, weekend pa naman bukas hindi ako ko siya mahahanap pag nagkataon.
Umupo ako at inumpisahan ko na namang halukayin ang mga damo na nasa harapan ko. Halos wala na akong makita dahil kumagat na ang dilim, kinakapa ko nalang ang lupa umaasang may hawakan akong singsing.
"nasan ka na? Magpakita kana sakin" naiiyak na sambit ko
Kinuha ko ang cellphone ko inopen ang flashlight nito para magkaroon kahit papano ng liwanag.
Kung hindi na kita mahanap ibig sabihin, kailangan ko na din tumigil sa nararamdaman ko kay tyron
Pinagpatuloy ako ang paghahanap sa singsing kahit imposible na. Maya maya pa ay may dumaan na sasakyan sa gilid ko, bigla akong nasilaw sa isang kumikinang na bagay na nasa sahig. Dali dali ko itong nilapitan at pinulot
"Nahanap din kita" Masayang sambit ko
Ibig sabihin ba nito may pag asa pa kami ni Tyron?"Nginingiti mo diyan?"
Napalingon ako sa taong nagsalita na nasa loob ng kotse at nakasilip sa may bukas na bintana nito"Thank you Mr. Ice Americano" Sabay ngiti
"Are you crazy?" Iritadong tanong niya
Umiling ako at tumakbo na paalis. Yung takbo na parang tumatalon sa sayaNang makarating ako ng bahay ay dumeretso ako kaagad sa kwarto ko at umupo sa study table ko. Pinagmasdan ko ang singsing na may ngiti sa aking mga labi. Worth it yung pagod ko.
Teka? Worth pa ba lahat?
Napahinto ako sa pantasya ko. Nakaramdam ako bigla ng lungkot ng tanungin ko ang aking sarili kung worth it ba? Dahil kahit pagbalik baliktarin ang mundo langit siya at lupa ako. Tapos na ang fairytale na binuo ko at ang tanging natira ay ang realidad ng mundo.
-------
Ako lang yata yung babae na hindi mahilig magshopping. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing magsashopping si charm kailangan kasama ako.
"Blaze look! May stock sila ng victoria's secret The Afterhours satin pajama" Masayang sambit ni charm na kulang nalang maging heart ang mata niya
"Let's buy it" excited na sabi niya
Tila para siyang isang batang nakakita ng magandang laruan"Hindi kasya allowance ko para diyan" palusot ko
Kahit kaya ng allowance ko ayokong bumili ng pajama na pagkamahal mahal.
"Don't worry ako ang sasagot. Kaya pumili kana diyan" napailing nalang ako.
Naghanap ako ng gusto kong design, nang makita ko ang Navy blue na stripe ay agad akong nainlove sa pajama na yun. Hawak hawak ko na ito ng biglang may humablot sa kamay ko.
"That's mine!" sigaw ko sabay tingin sa mukha ng umagaw sa pajama na gusto ko
Lahat nalang ba aagawin niya?
"Sayo noon pero sakin na siya ngayon" pangaasar sakin ni briana
Agad agad na lumapit sakin si Charm
BINABASA MO ANG
The Lost Princess(Under Revision)
RomancePaano kong isang araw magising kana lang na isa ka palang LOST PRINCESS? Anong gagawin mo? Tatanggapin mo ba ang kapalaran mo, ang tadhana mo? Pano kong ang kapalit nito ay kalayaan na nakasanayan mo? Gugustuhin mo pa ba? Copyright © 2012-2013 by...