[Charm's POV]
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni blaze at tuloy tuloy akong pumasok. Dumiretso ako sa may bintana sabay hawi ng kurtina para masilaw siya. Nakita kong nagreact ang mukha niya pero hindi gumalaw ang katawan nito kaya alam kong matutulog ulit ito pag hindi ko pa siya ginising.
"RISE AND SHINE!!!" Sigaw ko at hinila ang kumot na nakabalot sa katawan niya. Halos malaglag siya sa ginawa ko haha. Padabog itong umupo at sinamaan ako ng tingin
"Ano na naman bang kailangan mo? Ang aga aga charm. Kung magshahopping ka huwag mo na ako isama" Inis na sabi niya. Humikab siya at nag unat. Umupo naman ako sa may study table niya
"Gumising kana diyan.May lakad tayo"
"Saan na naman?" iritadong tanong niya
"Basta magbihis ka nalang. Magiging mabuting citizen tayo ng pilipinas ngayong araw" sabay ngiti ko.
/Flashback/
Naglalaway pa ako sa higaan ko ng may tumawag sa cellphone ko. Nakapikit kong kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko.
[Phone convo]
"Hello, sino ito?" Nakapikit na tanong ko dahil inaantok pa ako
"Hello good morning. This is Blake Scott yung lalaki kahapon sa mall" pagkarinig na pagkarinig ko ng pangalan na Blake Scott ay napabangon ako agad sa higaan ko.
"Yes hello. Bakit ka napatawag?" Kinikilig na tanong ko. Sorry na hindi ko lang mapigilan haha
"Gusto ko lang sana tanungin kung may oras kayo na magvolunteer sa isang bahay ampunan,kayong dalawa ng kaibigan mo"
"Oo naman. Madami kaming oras" Nakangiting sagot ko kahit di naman niya makikita yung ngiti ko
"Good. Mamayang 9am ipapasundo ko kayo. See you there! Thank you charm"
Waahhhh paano niya nalaman ang pangalan ko huhuhu."walang anuman hehe" Sabay end call niya ng tawag
/End of Flashback/
[Blaze's POV]
"Sino ba sila? Bakit nila tayo sinundo?" bulong kong tanong kay charm
"Pinasundo tayo ni Blaze scott" pabulong din na sagot niya
"Bakit? Saan ba talaga tayo pupunta?"Tanong ko
"Magvovolunteer tayo sa isang bahay ampunan" tinignan ko naman siya ng
"Sure ka ba?" lookSa pagkakatanda ko walang tiyaga si charm sa mga bata tapos nagvolunteer siya. Teka! Bakit nga pala pinagdesisyunan na niya ang buhay ko. Ni hindi nga nya tinanong kong papayag ba ako basta basta nalang siyang manghihila at dadalhin ako kung saan saan
After 30 minutes nakarating na kami sa sinasabi niyang bahay ampunan. Bumaba ako at inilibot ang paningin ko. Hindi ko maiwasang malungkot ng makita ko ang mga batang masayang nagtatakbuhan. Katulad ko sila na iniwan ng magulang. Pare-pareho kaming naghahanap ng pamilya na tatanggap samin. Kung hindi siguro ako napulot nila nanay at tatay for sure nasa isang bahay ampunan din ako.
"Blaze tara na, naghihintay sila" hinila na ako ni charm papalapit kung nasaan sila Blake. Nang malapit na kami sa kanila namukhaan ko kaagad ang katabi niya, hindi ako nagkakamali si Mr.Ice americano yun.
"Good morning" bati ni charm
Tumango lang ako sa kanila bilang pagbati"Good morning din Miss.Ice americano" Tinignan ko naman siya ng masama
"Magkakilala na kayo?" Tanong ni Blake
Sabay naman kaming sumagot ni Mr.Ice americano"Hindi" sagot ko "Oo" naman sagot niya
BINABASA MO ANG
The Lost Princess(Under Revision)
RomancePaano kong isang araw magising kana lang na isa ka palang LOST PRINCESS? Anong gagawin mo? Tatanggapin mo ba ang kapalaran mo, ang tadhana mo? Pano kong ang kapalit nito ay kalayaan na nakasanayan mo? Gugustuhin mo pa ba? Copyright © 2012-2013 by...