TLP 11

15.1K 262 5
                                    


Third Person's POV

Sa tagal ng byahe nila ay hapon na sila nakarating sa kanilang destinasyon.

"Ang ganda dito, napaka peaceful ang sarap magbakasyon kahit isang linggo huhu" pageemote na sambit ni Charm ng makita ang dagat

Nasa isang resort sila ngayon ng mga scott.

"Sayang wala si Blaze hindi niya makikita ang ganda ng resort na ito" dugtong na sabi ni Charm habang kinukuhanan ng litrato ang napakaganda at asul na dagat.

"Okay student please gather here" Announce ng homeroom teacher nila

Isa isa silang lumapit kung nasan ang teacher nila, ang iba naman ay busy pa sa pagkuha ng litrato. 

"Pakitawag na ang iba para maibigay ko na ang kwarto niyo" Utos ng teacher nila

Umalis si Anne para tawagin ang iba pa niyang classmate. Nang makumpleto na sila ay nagkumpulan sila sa harap ng teacher nila.

"Okay student, bale sa isang kwarto ay may apat na studyante. Kami na ang gumawa ng mga list ng magkakasama, first four na babanggitin ko ay pwede ng pumunta sa assign room nila" sambit ni ma'am tippy
Tumango naman sila

Binanggit na ng teacher ang mga magkakasama kaya unti unti na silang umaalis at pumupunta na sa assign room. 

"Ano bayan bakit kasi wala si blaze,  feel ko maoop ako dito tho close classmate ko naman ang kasama ko sa room" nasa isip na sabi ni Charm habang papunta sa room nila.

"Charm magkakaroon tayo ng skin care party mamaya okay" Pagiinform ni Chelsea

"Sure" sagot ni Charm kahit hindi ito mahilig sa skin care

Pagbukas nila ng pinto ng room nila ay dali dali silang tumakbo at ibinagsak ang katawan nila sa kama

"Ahhh i'm exhausted" bulaslas ni Nina

"Same, i miss my bed already" sambit ni Jasmine habang nakadapa at yakap yakap ang kama

"This is so relaxing" nakapikit na sabi ni Charm habang inienjoy ang lambot ng kama

Dahil sa pagod sa byahe ay sabay sabay silang nakatulog
 

Blaze's POV

Ang sarap ng tulog ko ng may marahan na tumapik sa Braso ko

"Blaze gising na, nandito na tayo" pabulong na sabi ni Dustin

Pagmulat ko ay mukha niya ang nakita ko. Ilang segundo ko itong tinitigan bago ako tuluyang magising, Ako lang ba yung ganun yung pag kamulat ng mata mo matutulala ka saglit.

"Gwapo ko ba? " mahangin na tanong niya

"Asa!" Sagot ko bago bumaba ng sasakyan.

Ngayon ko lang narealize na magsasunset na, bigla akong nakaramdam ng lungkot. 

"Tara" Pagyaya sakin ni Dustin at hinila ako

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang hila hila ako.

Kaladkaring babae na ba ang tawag sakin pag lagi akong hinihila?  Hahaha.

Dinala niya ako sa harap ng napakalawak na dagat. Umupo siya sa buhanginan samantalang ako ay nanatiling nakatayo at pinagmasdan ito. Habang pinapanuod ko ang kalmadong alon ng dagat at ang ganda ng papalubog na araw ay tila may nagflash na alala pero agad ding nawala.

Isang batang babae na tumatakbo dito sa pangpang.

Napamulat ako ng mata ng magsalita si Dustin

"Hindi ka ba uupo?" Tanong niya

The Lost Princess(Under Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon