TLP 8

15K 284 6
                                    


Blaze's POV

Nakapatong ang ulo ko sa lamesa habang pinagmamasdan mula sa bintana ang mga studyanteng naglalakad sa labas.

Napapikit ako ng maalala ko yung nangyari kanina.

/Flashback/

Naglalakad ako papasok ng school ng may humila sa kamay ko at dinala ako sa lugar kung saan kukunti ang studyante.

"Anong kailangan mo?" iritable kong tanong sa kanya

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa mata.

"Kayo ba ni Dustin?!" galit na tanong niya

"Ano naman sayo kung kaming dalawa?" balik na tanong ko

Inalis niya ang pagkakahawak sakin at narinig kong nagbuntong hininga siya.

"Ipalit mo na ang lahat ng lalaki sa school na ito, huwag lang si Dustin"
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya

"Anong bang paki mo kung si Dustin ang gusto ko" Inis na sabi ko sa kanya

"Damn blaze! Nagsiselos ako sa kanya!!" Sigaw niya na ikinagulat ko

"Kung hindi ka mapapasakin, hindi ka pwedeng mapunta sa kanya. Naiintindihan mo ba yun?"

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.

"Bahala ka nga diyan" yan nalang ang nasabi ko dahil naguguluhan ako sa sinasabi niya.

Aalis na sana ako ng bigla niya akong niyakap ng pagkahigpit higpit.

"Babawiin kita blaze, sakin ka lang. Hindi malinaw sakin kung bakit mo ko hiniwalayan kaya babawiin kita. " Walang emosyon na sabi niya na tila hindi si Tyron ang nagsasalita

Itinulak ko siya para makaalis ako sa pagkakayakap niya. Nang makaalis ako ay tinignan ko siya ng masama

"Hindi mo ako pagmamay-ari"
And with that iniwan ko na siya at pumasok na sa classroom.

/End of flashback/

Pagmulat ko ng mata ko ay nagulat ako ng bumungad sakin ang mukha ni Dustin, sobrang lapit nito sa mukha ko kaya dali dali akong napabangon.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya

Napangiti ito sa naging reaksyon ko, mukhang naienjoy niya ang pambibwiset sakin ah.

"Oh" Sabay abot niya ng Ice americano

"Para saan ito?" Tanong ko sa kanya
Mamaya kasi suhol pala ito para pumayag ako sa gusto niya.

"Pang ligo yan blaze, pang ligo. " Sarcastic na sagot nya kaya napapoker face ako.

"Joke lang baka kasi nauuhaw kana" dugtong niyang sabi

"Nakita ko kasi na parang pinagbagsakan ka ng langit ng lupa kaya naisip ko na dalhan ka ng magpapalamig sa ulo mo" Natatawang sabi niya

"Alam mo ikaw kung wala kang magandang gagawin, umalis kana!" masungit na sabi ko

"Oh" Sabay balik ko ng ice americano sa kanya

"Bakit ba ang sungit sungit mo sakin?" Tanong niya

"Bakit ba ang kulit kulit mo? Tsaka bakit ka nandito? Hindi naman kita kaklase ah" tanong ko sa kanya

"Noon hindi pero ngayon oo" Sagot niya sabay higop sa hawak niyang ice americano

"Paanong nakalipat ka ng section sa gitna ng school year?" nagtatakang tanong ko
Lumapit siya sakin at bumulong

The Lost Princess(Under Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon