Tyron's POV"Babe oh para hindi mangawit ang leeg mo" sabay abot sakin ni briana ng neck pillow na hawak niya
"Sayo nalang" wala sa mood na sabi ko
"Pero dalawa ang binili ko para tig isa tayo" malungkot na sabi ni Briana
Tsk! Bakit ang arte ng babaeng to. Para wala ng ingay ay kinuha ko na at isinuot sa leeg ko
"Yehey! Thank you at nagustuhan mo babe"
Masayang sabi niyaSinabi ko bang nagustuhan ko.
Ano kayang ginagawa ni blaze ngayon? Puntahan ko kaya siya at kausapin ang magulang niya para payagan siya.Ughh! Ano ba tyron huwag mo na siya isipin.
"Bakit kaya wala pang reply si Blaze" rinig kong sabi ni charm na nakaupo sa likudan ko
May nangyari kaya sa kanya? Wala namang masama kung titignan ko ang lagay niya diba? May pinagsamahan naman kami.
Dinial ko ang number ni blaze para malaman kung okay lang siya.
Ringing.....
10 seconds
argh! bakit ayaw niyang sagutin?
Muli kong dinial ang number niya at ilang segundo palang ay sinagot na niya[Phone Convo]
"Nasaan ka? Okay ka lang ba? " tanong ko
Napakunot ang noo ko ng hindi si Blaze ang sumagot kundi si Dustin, boses palang niya alam kung siya ito.
"Okay lang si blaze" Sagot ni Dustin
"Hindi ikaw ang gusto kong makausap, ibigay mo kay blaze ang cellphone niya" Utos ko sa kanya
Nakita ko namang napalingon sakin si Briana ng marinig niya ang pangalan ni blaze.
"Sorry pero tulog kasi siya ngayon sa tabi ko, ayoko namang maistorbo ang tulog niya" Mapang asar na sabi ni Dustin
Kaya napakuyom ako ng kamay"Bakit kayo magkasama?" Naiinis na tanong ko
"Ano kaya sa tingin mo?" Balik na tanong niya sakin
"Huwag mo akong pinupuno Anderson" Cold na sabi ko
"Haha hindi kita pinupuno Ocampo, masama na bang makasama ang girlfriend ko" Sagot niya
Mas lalo akong nainis ng marinig ko ang tawa niya.
"May sasabihin ka pa ba?" Tanong niya
Sa inis ko ay pinatay ko na ang tawag.[End of Convo]
"Bakit mo tinawagan si Blaze?" Inis na tanong ni briana sakin
"None of your business" cold na sagot ko
"Paanong none of my business, Tryon ako na yung girlfriend mo pero lagi ka nalang Blaze! Blaze! Blaze! Sabihin mo nga sakin siya parin ba mahal mo?"
Napapikit ako sa ingay ng boses niya. Pag mulat ko ay hinarap ko siya
"Kailan ko ba sinabing hindi ko na siya mahal?" Tanong ko sa kanya
Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko"Ibig sabihin hindi mo ako minahal?" Tanong niya sabay tulo ng luha niya
"Kailan ko ba sinabing mahal kita? diba ikaw naman itong habol ng habol sakin. Ikaw itong patay na patay sakin, Hindi ko sinabing mahalin mo ako at mamahalin din kita."
"What?!" hindi makapaniwalang tanong niya
"Hindi ka naman siguro bingi briana, alam kong narinig mo ang lahat ng sinabi ko at alam ko din na naintindihan mo yun. Kaya from now on stay away from me dahil tapos na kita gawing rebound ko" walang emosyon na sabi ko
BINABASA MO ANG
The Lost Princess(Under Revision)
RomansaPaano kong isang araw magising kana lang na isa ka palang LOST PRINCESS? Anong gagawin mo? Tatanggapin mo ba ang kapalaran mo, ang tadhana mo? Pano kong ang kapalit nito ay kalayaan na nakasanayan mo? Gugustuhin mo pa ba? Copyright © 2012-2013 by...