Third Person's POV
"Blaze anong ginagawa ng haliparot na yan dito?" bulong na tanong ni Charm
Nagkibit balikat lang si Blaze na tila nawala ito sa mood."Oh hi blaze" Maarteng bati sa kanya ni briana
"Gusto mo?" tanong ni briana sabay abot ng sandwich
Tinignan ni Blaze ang sandwich na inaabot nito bago tignan ang mukha ni Briana"Okay lang ako, ibigay mo nalang sa mga bata" Sagot ni Blaze at lumabas sa lugar na yun.
Umupo ito sa isang upuan sa ilalim ng malaking puno. Malalim ang iniisip nito ng biglang umupo sa tabi niya si Dustin.
"Oh magpalamig ka muna" Sabay abot niya ng Bottled water kay blaze, kinuha naman ito ni blaze dahil uhaw na uhaw na ito.
"Thanks" pagpapasalamat ni Blaze
"Magkaano ano kayo ni Tyron?" tanong ni dustin na ikinagulat ni blaze
"Kilala mo si Tyron?" balik na tanong ni Blaze kaya natawa si dustin
"Sinagot mo ang tanong ng isa pang tanong" natatawang sabi ni Dustin.
"Kilala ko si Tyron pero hindi kami close" Sagot ni dustin sa tanong ni blaze
Tumango tango naman si Blaze ng marinig ang sagot ni dustin"Eh kayo?" tanong ulit ni dustin
"Ex ko siya" matipid na sagot ni Blaze sabay inom ng tubig
"Bakit kayo naghiwalay?" tanong ni dustin
"Ikaw ah. Napapansin ko nakikichismis ka sa buhay ko" nakataas ang isang kilay ni Blaze habang sinasabi niya ito.
Natawa si Dustin sa sinabi ni blaze
"Nacurious lang ako sa buhay mo" Sambit ni Dustin"Teka may dumi ka sa ulo" Lumapit si Dustin kay Blaze at kinuha ang dahon sa ulo ni Blaze
Dahil sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa ay hindi maiwasan ni blaze na mapatitig sa mukha ni dustin.
"Baka naman matunaw ako niyan" Pang aasar ni dustin kay Blaze
Nag iwas ng tingin si Blaze at itinuon sa ibang bagay"Ang kapal mo naman" Inis na sabi ni Blaze
"Joke lang, napakaseryoso mo naman" komento ni Dustin
"Pag di ka nagseryoso masasaktan ka" Hugot ni Blaze
"Opps! Chill lang" Sabay taas ni dustin ng kamay niya na parang nagsusurrender.
++
"Tyron nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" Reklamo ni Briana
Nakita niya si Tyron na nakatayo sa labas"Tara na sa loob, ano ba kasing tinitignan mo diyan?" tanong ni briana sabay tingin sa direksyon na tinitignan ni Tyron
Nakita ni Briana si Blaze kasama ang isang lalaki na nakaupo sa ilalim ng puno at mukhang nagkakasayahan sila.
"Affected ka parin ba? Don't tell me nagsiselos ka?" mataray na tanong ni briana
"Bakit naman ako magsiselos" walang emosyon na sabi ni Tyron at pumasok na sa loob.
Huminto ito at nilingon si Briana
"ano pang ginagawa mo diyan? Hindi ka ba papasok?" tanong ni Tyron kay briana at naglakad na ulit
Pagpasok nila ay lumapit agad sila sa mga bata at tinulungan ito sa pagkain
"Kuya pwede po bang pabuksan nito" Pakiusap ng isang batang babae kay Tyron
Agad namang kinuha ni tyron ang bottled water at binuksan ito
BINABASA MO ANG
The Lost Princess(Under Revision)
RomancePaano kong isang araw magising kana lang na isa ka palang LOST PRINCESS? Anong gagawin mo? Tatanggapin mo ba ang kapalaran mo, ang tadhana mo? Pano kong ang kapalit nito ay kalayaan na nakasanayan mo? Gugustuhin mo pa ba? Copyright © 2012-2013 by...