Chapter: 1 - Blue and Rei

17.3K 213 6
                                        

Blue's POV

Malapit na ang mukha ng prince charming ko.

Waahh! He is going to kiss me na ba? Yey! Excited na ako.

Ayan na! Malapit na! Konti na lang.

3cm..

2cm..

1c--

"Bllllluuuuueeeee!!!!" Nagulat ako. Bwisit na yan! Malapit na akong mahalikan eh. Hindi pa natuloy kahit sa panaginip man lang.

"Ano na naman ba? Kanina ka pang lalaki ka ah!" Sabi ko sa kanya.

Ngumisi lang siya at tumingin sa...

Dibdib ko?!?!

Agad kong tinakpan yun.

He grins at me.

"A-ano bang kailangan m-mo?" Kalmado kong sabi kahit na gusto ko nang isigaw.

Mas lalo lang lumaki ang ngisi niya.

"Tss! Tss! Tss! Poor woman. Kawawa ka naman. Wala ka lang man hinaharap. Mas flat pa yan sa flat screen eh." Sabi niya na ikinapula ko.

Yeah! Namula ako dahil sa galit.

"Ano bang pinunta mo dito? Are you insulting me?" Sabi ko sa kanya.

"Nah! I'm just stating the fact." Sabi niya.

Grr! I'm gonna kill this man in front of me. Ngumisi na lang ako. Akala mo magpapatalo ako.

"Yeah! You're just stating the fact but for your information di porke flat chested ako, kawawa na agad ako? Ikaw kaya ang kawawa! Wanna know why? Kapag nalaman nila na ang tagapagmana ng Mafia Boss nila ay mahilig sa Tom and Jerry and take note pa, i saw your underwear a while ago in your room. Yuck! So childish! Pfftt." Sabi ko sa kanya na natatawa pa. Pero, hindi ko na natiis. Humagalpak na ako ng tawa.

Actually, dalawa ang room niya. Yung isa, yung ginagamit niya at yung pangalawa naman ay yung room na walang nakakapasok bukod sa magulang niya at siya.

Nakita ko ang pagkainis sa mukha niya.

Pero bumawi agad ang loko.

Ngumisi ulit siya na agad ikinatigil ng pagtawa ko.

"Really? Hah! I saw your underwear too." Sabi niya at may kinuha sa bulsa niya.

Nanlaki ang mata ko.

"Akin na yan! Hey! Akin na yang underwear kooo!" Sigaw ko at inaabot ang underwear ko.

Pero kung minamalas ka nga naman sobrang tangkad niya. Putspa!

"Haha! Dora! Seriously? Hahaha!" Sabi niya habang iwinawagayway ang underwear ko. Waah! May tumitingin na sa amin. Yung mga katulong.

Aha!

"Good afternoon, Mrs. Dantes." Sabi ko.

Ibinaba niya ang underwear ko at napatingin sa likod niya.

Agad kong kinuha ang underwear pero..

"Not so fast, Blue." Sabi niya.

Ugh! Putek na yan! Hindi pa rin gumana ang bright idea ko.

Napasimangot na lang ako at saka lumayo sa kanya.

Grrr! Nakakainis! Pramis!

Sa totoo lang ako ang pinakabatang katulong dito.

Tapos ang sumunod sa akin ay 47 years old. Si Aling Lilia.

Married (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon