Chapter 33: Give Up?

2.5K 56 7
                                    

Kyaaaaahh! Wag niyo palang basahin ang trauma! Hahaha! Malalaman niyo agad ang ending ng AMBIMTAVP! Nakasulat kasi doon! Haha! Please? Wag niyo munang basahin hangga't hindi pa po tapos itong story.

Huhu! Nabalitaan niyo ba mga  ka Co-Army? Na si Chim-chim ay nadapa sa airport! Tapos hindi man lang tinulungan! Pinicturan lang!

Action muna tayo kahit hindi ako marunong sa action! Hahaha!

Enjoy reading :)

***

Third Person's POV

HHWW! Holding hands while walking! Naks! Haha, landi lang ni Venus eh. Siya mismo ang humawak kay Louis dahil hindi naman siya hinahawakan nito.

Kahapon ay nag-make love sila at iyon ang pinakamasayang nangyari kay Venus, ang mga haplos at halik nito ay maingat hindi kaya dati na halos tanggalin na ang labi niya sa kakahalik ni Louis!

Agad namang tinanggal ni Louis ang kamay niya kay Venus kaya agad nalungkot ito. Naalala niya nga pala, hiling niya nga pala yung kahapon, wala nga pala siyang karapatan dito.

Nagpahuli siya sa lakad habang ang mga babae naman ay todo landi sa asawa niya, ni hindi siya pinapansin nito. Date sana nila iyon pero mukhang ayaw lang ni Louis, sana iniwan na lang siya nito, umaasa kasi siyang kahit kakaunting pagmamahal ay meron ito pero wala eh, walang pake sa kanya si Louis.

Tumigil muna siya sa paglalakad at hinintay niyang mawala sa paningin niya si Louis, gusto niya kasing mapag-isa, gusto niya munang mawala kahit saglit ang sakit na nararamdaman niya.

Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilang umiyak.

"Wala na ba akong pag-asa? Ang hirap kasing umasa na kahit konti lang ay may pagmamahal ka sa akin kasi mas lalo mo lang pinapahirapan ang sitwasyon." Malungkot na sabi niya habang ang mga luha nito ay masaganang nag-uunahan sa mga pisngi ni Venus.

Mas lalo lang kasi siyang nahihirapan dahil bakit nga ba kasama niya si Louis dito sa France? Tapos sumama pa ito sa lakad niya kung ayaw niya itong kasama diba?

Sa kinatatayuan ni Venus ay kitang-kita ang Eiffel Tower na gustong-gustong makita ni Venus pero parang wala siyang ganang tignan pa ito dahil hindi naman siya mahal ng taong mahal niya.

Natatawang-malungkot si Venus sa pumasok sa isip niya.

"Really? City of Love?" Mas lalo lang lumakas ang mga luha niya. Dapat ay masaya siya ngayon pero hindi niya magawa lalo na't hindi na siya binalikan ng asawa niya.

Tinignan niya at hinawakan ang singsing na simbolo ng pagmamahalan nila pero pagmamahal ba iyon kung ganito ang sitwayon nila?

Mapait siyang napangiti at umupo sa bench.

"Sana matapos na ang lahat dito." Hinang-hinang sabi ni Venus.

Tatayo na sana si Venus pero may nagtakip sa bibig at ilong niya na naging sanhi ng pagkahilo niya.

Mahal na mahal kita, Louis.

***

"Makinis ang balat, tol! Ang putla ng balat! Puta!" Naalimpungatan si Venus sa mga sigaw sa paligid niya.

"Tol, mukhang masarap. Tikman na kaya natin!" Unti-unting nagmulat si Venus, sa una ay blurred hanggang sa mag-adjust ang paningin niya at ganun na lamang ang kanyang pagkagulat.

"Shut up! Akin ang isang iyan!" Napalingon silang lahat sa lalaking nakatayo sa pintuan.

"Ayy boss! Ano pong iuutos niyo?" Tanong ng isa sa mga goons doon.

Married (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon