Chapter 3: Changes

5.9K 121 9
                                    

Blue's POV

Pagkatapos ng nangyari ay hindi ko na masyadong nakakausap si Louis at mas naging cold siya. Bawat araw umiiyak siya, hindi na rin siya lumalabas ng kwarto at hindi siya pumapasok sa Campus.

Hindi ko alam kung bakit siya ang kinukwento ko kasi POV ko toh.

Hayss! Naawa lang kasi ako eh. Kahit ako mismo iyak ng iyak pero pumapasok pa rin ako sa Campus kaso tuwing dadating ako dito sa Mansion lagi ko siyang naabutang nakatulala sa garden.

Bakit pa kasi nangyari pa toh? Ano bang kasalanan nila? Kaya ayokong pumasok sa mga ganyan eh.

Si Louis na ang namamahala ng Mafia at ng Company.

Wew! Akala ko nga hindi siya marunong mamahala eh kaso nung nalaman kong sobrang higpit sa mga kasama niya ay medyo natatakot ako ikaw ba naman kausapin ng isang 'Louis Rei' magtago ka na sa palda ng nanay mo, aba.

Kakaharapin mo talaga ang kamatayan kapag once na nagkamali ka nang banggit.

Pinaalis niya na lahat ng katulong maliban sa akin.

Weird.

Dapat nagtira pa siya ng tatlo? Apat? Or lima?

Ang laki kaya ng Mansion!!!

Ikaw kaya ang maglinis ng buong Mansion noh? Jusko! Feeling ko magiging stick na ako eh.

"Bring the papers on my room, Blue. Maliligo lang ako." Malamig na sabi niya.

Brrr! Sobrang lamig. Tss! Hayaan na nga baka barilin pa ako.

Dinala ko na ang mga papers sa room niya.

Wow! Hindi ko pa nalilinis toh pero sobrang linis dito.

Marunong din pala maglinis ang isang yun noh?

Inaayos ko na muna ang mga papers bago ako lumabas ng kwarto niyang KUMIKINANG sa sobrang linis.

Tinalo pa ang babae sa pag aayos. *pout*

Gabi na pala.

Kumain muna ako kahit wala akong gana.

Lagi naman, lagi naman akong walang gana simula nung nangyari yun.

Pagkatapos kong kumain ay nagpalit na ako ng susuotin ko at pumuntang Banyo para magtoothbrush.

Pagkalabas ko ay natulog na ako.

Zzzzz...

Zzzzz...

***

Nandito na ako sa Campus at kumakain sa canteen, nabobored ako eh kaya kumain na lang. Sa bagay, uwian na naman kaya dito na ako dumiretso baka sakaling mawala ang pagkabored ko. -_-

Bakit ganun? Parang may tumutusok sa puso ko kapag tuwing mag uusap kaming dalawa ni Louis tapos ang lamig ng boses niya.

Hayys! Siguro hindi lang ako sanay.

Bakit ko ba kasi iniisip yung mokong na yun?

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? =_=

Bwisit kasi yung lalaking yun. Kung ano-ano ang pinaggagawa sa akin nahawa tuloy ako.

Umalis na akong canteen at pumuntang M.R (Music Room)

Ngayon ko palang sasabihin.

Na marunong akong magpiano.

Psh! As if namang maiinggit ka sakin. *Flip hair*

Wew! Nagiging masungit na ako.

Hay! Masungit mode on muna ako, di porke mabait ako, mamaliitin niyo ako? *Sabay taas kilay*

Married (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon