Sorry dahil pinatay ko ang bida natin, hindi naman po pwedeng puro Happy Ending diba po? Diyan po kasi nasusubok kung magiging matapang ka kung nawala sayo ang pinapahalagahan mo.
(Pinapahalagahan nga ba ni Louis? Charot!)
Pagbigyan niyo na si Author ha?
Sorry guys! Huhu!
***
Third Person's POV
Makakapal na usok ang kumakalat sa buong bar na pinuntahan ni Louis.
Obviously, he's drinking.
Sa kanan niya ay may mga lalaking nagpapayabangan.
"Tol! Gusto mo bang bigyan pa kita ng sampung kotse?"
"Tangina mo! Sampu lang? Baka gusto mong bigyan kita ng limampung-kotse." Napairap sa hangin si Louis dahil sa sobrang kayabangan ng mga kalalakihan sa loob ng bar.
Sa bandang kaliwa naman ay puro babaeng may kasamang lalaki at nakikipaglandian pa ang mga ito.
"Babe, do you want to come on my condo tonight?"
"Do you want to have s*x on me?" Parang gustong isuka ni Louis lahat ng ininom niya.
Napailing na lamang siya dahil sa mga babaeng nagpapakababa para lang makuha ang gusto nila.
Bigla niyang naalala si Venus.
Ilang beses niyang naalala kung paano ito magmakaawa sa kanya para lang hindi ito masaktan sa gagawin niya pero mas nanaig ang demonyo na nasa loob niya kaya kahit mamatay na sa sakit si Venus ay hindi niya ito pinapakinggan.
Biglang dumilim ang paningin ni Louis at nasuntok niya ang lalaking na saktong dumaan sa harapan niya.
Doon niya lahat ibinuhos ang sakit, pagsisisi at galit niya sa sarili.
"What the fvck?!" Narinig niyang mura ng lalaki.
Whoever he is, i don't care!
Sigaw niya sa kanyang isip.
Inawat siya ng mga bouncer doon sa bar.
Kung makikita mo man ang lalaking nakalugmok sa sahig ay mukhang patay na ito dahil halos basag na rin pati mukha.
Hindi alam ni Louis sa kanyang sarili kung bakit niya binugbog ang lalaki.
Maybe, nasaktan siya sa pagkawala ni Venus or dahil naguilty siya ng makita ang lalaki na sinasaktan ang babae!
Naalala niya ang kanyang sarili na sinasaktan ang kanyang asawa pero kung pwede nga lang na mabuhay si Venus at hindi siya maalala nito ay okay lang, makita niya lang itong masaya at ligtas ay sapat na para sa kanya pero wala na, nang dahil sa kagaguhan niya ay pati ang taong mahal niya namatay.
Habang inaakay siya ng mga bouncer palabas ng bar ay hindi niya mapigilang mapaluha.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang nangyari sa asawa niya, kahit magka-amnesia pa ito.
Ang tanging gusto lamang niya ay si Venus at wala ng iba, hinding-hindi na siya hahanap pa ng ibang babae dahil sapat ng isang babae lang ang dumaan sa buhay niya.
Siyempre, hindi kasama ang nanay ni Venus dahil puppy love lang naman ang naramdaman niya dito, at tanging kay Venus niya lang naramdaman ang sakit at selos.
Bigla siyang itinulak ng mga bouncer.
Pwede namang palayasin siya ng maayos diba? Yung bibitawan lang siya ng maingat hindi yung marahas na pagbitaw.
BINABASA MO ANG
Married (Editing)
Vampire[MARRIED Book 1;] [completed;] "I sacrifice my own life just for you. But why he chose me to suffer like this?" - Louis Rei Dantes ♡PrincessWhiteSuga (Cover) Credits to the rightful owner: DoKimKyungKai