Pangapat

1.2K 36 2
                                    

Kabanata 4

After magusap ng magulang ko, sympre talo nanaman si Dad kaya umuwi na siya at ngayon mag-isa nako dito sa kwarto kasi umalis nadin si Ate Yumi dahil may paguusapan daw sila ni Mommy.

Bumuntong-hininga ako kasabay ng pag-pikit ng mga mata ko.

"Hindi siya magiging Montefalco."

It never failed to hit me. Tila nag-e-echo na parang sirang plaka ang mga salitang iyon ni Mommy.

Yes, I am a Montefalco. Ang tatay ko ay  isang Montefalco pero unlike ng ibang Montefalco, I'm using my mother's name.

Nagkakilala ang parents ko sa malaking simbahan sa Vatican City habang nagkakaron ng group wedding. They dated once, made love and then my mother left. Ewan ko bakit niya ginawa yun pero soon after nalaman niya nalang na buntis siya.

She's 24 that time pero hindi nagalit si Lolo Ashio, tatay ni Mommy. Why? Simply because lolo thought na si Tito -her husband and father ni Ate Yumi- ang ama. The good thing is sobrang bait ni Tito kaya he took me as his own daughter kahit na isa akong pagkakamali.

Pero si Mommy guilty kasi hindi niya hinayaan na gamitin ko ang apelido ni Tito. Naalala ko pa, he wanted me to call him father pero I only did it once... sa funeral niya.

Namatay siya when I was ten. I cried a lot and I was so down pero my biological father already cured that pain.

Nakilala ko si Daddy a year ago. Nung una sobrang awkward pero madali siyang makagaanan ng loob. Maybe dahil sa lukso ng dugo? I acted like I dont want him in my life to test kung susukuan niya ba ko pero hindi. He pursued me every time he gets the chance and honestly, sa loob ko ay tanggap ko na siya.

He told me about himself, about his siblings na may asawa na pero siya ay wala padin, pati tungkol sa kanyang ama at ang kapatid nito pati narin yung mga kalokohan nila ng mga pinsan niya na sila Tito Lorenzo, Tito Exel, Tito Stephen, Tito Azrael--

Azrael..

Napahawak ako sa noo.

Azrael...

Naputol ang pagiisip ko ng nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

Number lang...

Sinagot ko ito pero hindi ako nagsalita.

("Hello?")

Boses babae yung nag-hello kaya sumagot nadin ako.

"Who's this?"

("Is this... Sariel Ortega?")

Saglit akong tumahimik at inisip kung sino ang tumawag sakin.

("Hello? Sariel? I'm Sheila. Yung nang-invite sayo sumali sa Arts Club?")

"Ah. Pano mo nakuha number ko?"

Tumawa si Shiela na parang kinikilig.

("Kay Thaddeus. Childhood friends pala kayo no? Ang swerte mo!")

Anong swerte? Panong swerte? Hindi ko siya maintindihan kaya um-oo nalang ako.

("May tanong ako... uhm kayo ba?")

"Kami??"

("I mean are you and Thaddeus dating?")

May gusto ata to kay Fitz.

"Oo bakit?" Kahit hindi. Napa-ngiti ako.

Mukhang maganda pag-tripan si Shiela.

("Uh.. well... that's good. Hmm, sige gawa nakong homework ko ah! See you nalang.")

Tapos pinatay niya na yung tawag. Ni walang goodbye o ano.

Napangisi ako. She obviously likes Fitz.

Kinabuksan, as usual sinundo ako ni Fitz sa harap ng bahay namin since magkapitbahay lang kami.

Hindi close ang parents namin pero kilala ako ng parents niya at kilala naman siya ni mommy so okay lang sa kanila na sabay kami lagi. Parang nakagawian nadin since kindergarten palang ay ganito na.

Napansin ko na yung BMW lang niya ang nandun at wala yung driver kaya nagtaka ako.

"Asan na driver mo?" Tanong ko.

Bigla naman siyang ngumisi sakin at inakbayan ako. "Ako magddrive." Sabay kindat kaya sinipa ko siya. "Aw! Aw! Bakit ka naninipa?!"

"Wala kang lisensya!" Inirapan ko siya at tatalikod na sana para tawagin yung driver ko pero hinila niya ko at pinasok sa loob ng kotse. "Fitz! Ano ba! Ayoko pang mamatay!" Akma akong lalabas ng bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Trust, Sari." Ngumisi siya at kumunot ang noo ko.

Hindi nagtagal ay pumayag narin ako kaya ngumiti naman siya at mukhang sobrang saya niya.

Habang nasa daan kami, hindi ko napansin na naging lutang ako.

Azrael...

Azrael...

Azrael...

Siya na laman ng utak ko...

Siya na laman ng puso ko...

Ugh.

Bumuntong-hininga ako.

Ano ba yan. Erase na dapat erase! Wag na isipin. Magkamag-anak kami for goodness' sake! Hindi ba incest ang resulta pag naging kami?

Okay maybe 'incest' is a bit exaggerated pero damn! Consanguinity to.

"Bakit ang tahimik mo?" Biglang sabi ni Fitz. Napa-tingin ako sakanya kaya nakita kong naka-tingin din siya sakin. Naka-hinto pala ang kotse dahil sa red light.

"Ah?"

"Tapos ganito ka pa ng ganito..." Bumuntong-hinga siya ng tatlong beses.

"Eh..." Ano bang sasabibin ko sakanya?

Binalik niya ang tingin niya sa daan at pinatong ang left arm niya sa may bintana habang pinaglalaruan ang lower lip niya.

"Don't give me that a-e-i-o-u crap. You're not Eya Rodriguez." Seryoso niyang sabi.

Nu daw?

"Huh? Sinong Eya?"

Hindi niya ko sinagot hanggang sa makarating kami sa school. Basta ang alam ko lang, ang cute ng tenga niya kasi sobrang pula na hindi ko alam kung bakit namumula.

"Hiiii!"

Muntik na ko sumubsob nang may tumulak sa likod ko. Buti nalang at may balance ako kundi baka nasubsob na talaga ako sa simento.

"Shiela?"

Nakita ko si Shiela. May kasama siyang apat na babae.

"Girls, this is Sariel. Bagong member ng Arts Club." Naka-ngisi siya.

Pinapasadahan naman ako ng tingin ng mga babae kaya na-concious ako.

"She's perfect for the operation Shiela." Sabi ng babae na may mahabang buhok.

Operation? As in ooperahan?!

Tumawa si Shiela. "Of course!"

Narinig niya yung iniisip ko????

Umatras ako . "Anong operation?"

Lumapit ang dalawang babae sakin at hinawakan ang magkabilang-braso ko.

"Anong ibig sabihin nito?!" May banta sa boses ko pero naka-ngisi lang si Shiela.

"Kalma girl.We just need your help."

Naningkit ang mga mata ko.

"We just need your help to make this work." Sabi nung babae na naka-salamin sa tabi ni Shiela.

"Help on what?"

Lumapit sakin yung babae na mukhang inosente pero ewan bat ako kinilabutan sakanya.

"It's simple..." Ani niya. "Just break Elijah Montefalco's heart."

You Bury Me (Azrael Montefalco FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon