Author's Note: Sa sobrang inlove ko kay Azi Montefalco kaya eto haha ididedicate ko po ito kay QueenJ ( jonaxx ) bilang pasasalamat sa pag-create ng minamahal ko haha :)
Sana mabasa ito ni Queen at sabihin sakin kung ayaw niya sa ginawa ko o like niya hehe *o* I love you queen!
So umpisa na po haha! Btw Thank you sa pagbabasa (hihi~ kinilig? XD)
P.S. Let me know your thoughts about this fanfiction >.< Thank you 😊😊 :)
♦♦♦♦♦
"What?"
Sa pagkunot at pagsingkit ng mga mata ni mommy sakin ay alam ko ng hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"What?" Ulit nya. "What do you mean you're dropping out? And you're flying to US? Sari, just what are you up to this time?" Umiling-iling pa siya at halos hindi na maipinta ang mukha.
Nag-iwas ako ng tingin at nilibot ang paningin sa opisina ni mommy.
Dumako ang tingin ko sa naka-ilaw na logo ng Ortega Corporation hanggang sa baba naman nito na mga kabit-kabit na counter tables na gawa sa salamin hanggang sa huminto nako sa family picture namin na naka-display dun.
Right. Family.
Simple lang naman ang dahilan kung bakit gusto ko ng umalis ng pilipinas.
Hindi ko na kasi matiis lahat dito. Lalo na dahil pakiramdam ko sasabog nako sa sobrang sakit kakatanong ng bakit sa araw-araw na ginawa ng diyos ay puro paglalandi ni Azrael ang nakikita ko?
Si Azrael Ian Montefalco The Third o mas kilala bilang Azi ng kanyang mga pinsan - ang sikat na mga Montefalco sa pinapasukan ko na University ngayon at siyang lalaki na bumihag sa puso ko.
Shtt! Ang korni pero realtalk.
Ewan ko paano nagsimula basta kasi hindi ko naman masyadong binibigyan ng pansin ang mga Montefalco noon pero nakaka-bitter sila lalo na si Azrael.
Akala ko kasi noon... hindi siya Montefalco. Akala ko... simpleng tao lang siya tulad ng iba pero mali eh. Bagay sakanya ang Azi kasi tunog breezy. Mahangin, malandi, sobrang pilyo at gwa---tsk.
Nalala ko tuloy nung una ko siyang makita. Grade school kami nun habang sinusubukan kong mag-isip ng magandang i-drawing para sa assignment namin. Napansin ko siyang mag-isa na naka-indian sit sa may batong upuan at seryosong naka-tingin sa malayo.
Sa mga panahon na yun ay parang may nabuhay sakin na kung ano tapos hindi ko alam kung bakit pero napako ang tingin ko sakanya habang hinihipan ng malamig na hangin ang kanyang buhok.
Naisip ko nun na parang ang sarap niyang ikulong sa isang painting sa sobrang sarap niya titigan kaya siguro pati kamay ko ay tila nagkaron ng sariling pagiisip para iguhit siya.
BINABASA MO ANG
You Bury Me (Azrael Montefalco FanFic)
FanficBecause I love him with my everything... he became the axis of my world. He took over my whole being kahit na alam ko na isa lang ako sa mga babae niya. That I'm just one of his playthings, one of the extras in his story that he'll eventually forget...