Pang-labing-dalawa

584 13 2
                                    

Kabanata 12

"Wow nag-pa-tattoo ka?" Manghang bati ni Jenny kay Marinell.

Nasa clubroom kami ngayon at kasulukuyang gumagawa ng i-d-design para sa upcoming prom ng mapansin ni Jenny ang tattoo ni Marinell.

"Uhuh! Uso to gurl." Pinakita ni Marinel ang malaking krus na tattoo sa pulso niya. "Tignan mo cross to para repeller sa mga masasamang espiritu."

"Ay bat ganun? Edi ni-repel mo sarili mo?" Sabi ni Carmina kaya nagtawanan sila except kay Marinell na naka-pout.

"Trip ko rin magpatattoo! Tingin nyo ba dito maganda?" Pinakita ni Shiela ang legs niya kaya lalong nagtawanan. Nakisali narin si Marinell na humagalapak pa.

"Bat jan sa legs? Ikaw ha! Sabi ko na nga ba may tinatago kang libo--mph!" Bago pa matuloy ni Marinell ang sasabihin ay tinakpan na ang kanyang bibig.

"Ikaw Sari, tignan mo to oh." Lumapit sakin si Carmina at may pinakitang picture. "Infinite Faith ang tawag sa tattoo nato. Bagay sayo."

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Bakit?"

"Diba Sariel Faith Ortega pangalan mo?" Ngumisi siya sakin kaya lalo akong nagtaka. "Nakita ko sa ID mo haha."

"OMG! Sa belly talaga?" Sumulpot si Marinell sa gitna namin ni Carmina. "Ang daring beh! Kumikinang pa ang pusod."

Natatawang-umiling si Carmina saka lumapit na papunta kay Shion na tahimik sa isang sulok.

"Okay back to work na girls! Baka kung san nanaman tayo mapunta nito eh!" Ani Jenny na bumalik na sa pagdedsign.

Natatamad na bumalik si Marinell sa pwesto niya pero bago siya bumalik ay may binulong siya sakin.

"Nakita ko si Thaddeus sa tattoo shop na pinuntahan ko. Nagpa-tats din ata." Kumindat siya bago umalis.

Si Fitz nagpatattoo?

Nung uwian na, nakita ko agad si Fitz na naghihintay habang nakasandal sa pader. Mabilis niya kong nakita pero hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko.

Tila tinubuan ata ng ugat ang mga paa ko at natali sa lupa dahil sa pag-akbay ng isang lalaki sakin.

"Hey."

Hindi ko man tignan kung sino ito ay kilala ko na siya agad. Sa matamis niyang boses, sa nakaakit niyang amoy, sa katawan niyang mainit--ugh! Ano bang klaseng description to!

"Cute! You're blushing." Natawa siya ng mahina kaya nag-iwas ako ng tingin kahit hindi naman ako naka-tingin sa kanya. "Hindi ko alam dito ka din pala nagaaral. It's been a long time. Wanna go home together?"

Pero bago pako sumagot ay may sumagot na para sakin.

"She's going home with me."

Nakakapanlamig ang boses na iyon. Matigas ito at walang emosyon. Dahan-dahan kong inangat ang tingin at sinalubong ang matalim na titig ni Fitz.

"Whoa! Thaddeus right? Musta? Hindi kita nakilala." Bati ni Azrael pero hindi ito pinansin ni Fitz. "Sabay kayo uuwi--"

"Let's go Sari."

You Bury Me (Azrael Montefalco FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon