Kabanata 8
Fitz is a real gentleman kaya nung nakita ko na umiwas siya sa dibdib ni Shiela ay medyo naging proud ako.
Medyo lang kasi why would he let her sit on his lap kung iiwas din pala siya? Ano yun? Pakipot effect?
Although I have to admit na he's not like the other boys na ginagamit ang looks para mangakit ng babae. Tingin pa nga ng iba ay medyo cold siya pagdating sa mga babae. I never heard that he ever got a girlfriend dahil dito kaya siguro ako din yung napag-praktisan niya halikan noon.
Yes, my childhood friend is my first kiss. That was around before our graduation nung grade school.
Napahawak ako sa labi ko. Naalala ko yung halik ni Azrael.
Nakakabaliw.
Mauulit pa kaya yun?
Tinignan ko sila Fitz at nagulat ako na naka-tingin na din pala siya sakin.
Matalim ang kanyang pagtitig kaya nangilabot ako. Muntik pako mapasigaw ng bigla niyang tinulak si Shiela kaya napaupo ito sa sahig.
"Thaddeus?!" Magkahalong gulat at sakit ang makikita sa mukha ni Shiela habang si Fitz ay nakatitig parin sakin.
Nagiwas ako ng tingin. Bakit ba siya ganun maka-tingin? At bakit ba siya nandito? Pinagmasdan ko si Shiela na tumayo at halos mapaupo siya ulit ng makita ako.
"S-sari? Why are you here? A-asan si Elijah?" Tanong niya na tila namumutla.
Si Elijah?
Walang nangyari pero samin ng pinsan niya...
na pinsan ko rin...
meron.
Napaatras ako ng mabilis akong nilapitan ni Fitz at hinawakan sa magkabilang-braso.
"What the fck are you wearing Sari?!" Matalim ang mga mata niyang nakapukol sakin tulad ng matalim niyang pagsasalita. "Damit pa ba yan ha? Ganyan kana ngayon? Why are you stepping so low?!"
Hindi ako makasagot sakanya. Hindi ko alam pano ipapaliwanag ang sitwasyon.
Ano ba to? Ano ba dapat kong gawin?
What am I supposed to tell him?
"Dahil lang sa Montefalco na yun nagkakaganyan ka?!" Asik niya.
Oh no alam niya na ba ang feelings ko for Azrael? Imposible...
"Listen Sari, I know you're not this type of girl. You dont have to change yourself! Naman eh tumingin ka naman sa paligid mo. Dont be one of those girls that fawns over the Montefalcos!"
Napasinghap ako.
Anong ibig niya sabihin? Na gumagaya ako sa mga babaeng nagpapakandarapa sa mga Montefalco?!
Mula sa takot kay Fitz ay nakaramdam ako ng galit.
"I'm not fawning over them." Depensa ko. "I'm just here because..." Tumingin ako kay Shiela at nakita siyang umiiling.
She's like trying to tell me na wag sasabihin ang deal namin about Elijah. I bit my lower lip. Dmn this messed up situation "I'm just here because I want to! Para naman bago! Nakakasawa na kasi I'm already 16 but Im still stuck with you! Lagi nalang tayo! Let me breathe!"
For the whole 16 years of my life, walang araw na hindi ko nakasama si Fitz. Kung meron man ay hindi ko na maalala dahil sa araw-araw ng buhay ko hindi nawawala ang existence niya. Kahit nasa ibang bansa kami ay nandun din sila ng pamilya niya kaya nasabi ko na nakakasawa na pero I honestly dont feel na nakakasawa na. Wala lang ako masabi kaya nasabi ko yun pero mukhang dinamdam ata niya dahil for the first time sa buhay ko...
"F-fitz..."
Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.
"U-uy..."
Nag-iwas siya ng tingin sakin at dahan-dahan akong binitawan. Napalunok ako.
Sht. Did I hurt him?! Ugh! Malamang! Ang tanga ko!
Hahawakan ko sana siya pero bigla nalang siya tumakbo paalis.
Kung tulad lang to ng mga nakaraang araw ay baka hinayaan ko lang siya pero hindi. I need to chase him this time dahil pakiramdam ko, pag hindi ko yun ginawa ay mawawala na siya sakin kaya tumakbo narin ako paalis kahit na narinig ko ang boses ni Shiela na tinatawag ang pangalan ko.
"Fitz! Stop running!" Sigaw ko habang naghahabol ng hininga. Nakalabas na kami ng club at halos lamigin ako sa tindi ng hamog sa daan. "Fitz ano ba! Para ka namang babae nito eh!"
Patuloy parin siyang tumatakbo at tila binge sa mga sigaw ko. Sisigaw pa sana ulit ako kundi lang ako natapilok at nadapa sa gitna ng daan.
"Ugh..." Tinignan ko ang paa ko at sinubukang igalaw ito.
Ang sakit!
Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at pinigilang maluha.
"Tss. Ang taas kasi ng takong tapos tatakbo."
Tumingala ako at nakita ang seryosong tila biyernesantong mukha ni Fitz. Lumuhod siya sa harap ko at chineck ang paa ko.
"A-aray..." Daing ko ng sinubukan niyang igalaw ito.
Bumuntong-hininga siya at yumuko. "You know I really want to leave you alone..." Kinagat niya ang labi niya at suminghot. "But I just can't. I'm pathetic right?"
Pinilit kong hanapin ang mga mata niya pero iniiwas niya sakin ang mga ito kaya hinawakan ko na ang mga pisnge niya.
Nakita kong sobrang mapula ang mga mata niya pati ilong niya at pisnge niya. May bahid pa ng luha sa mga ito kaya nakunsensya ako.
Naiinis ako sa sarili ko.
Hindi niya deserve to.
"I'm sorry.." Nanghihina kong sabi. "I'm sorry hindi ko sinasadyang saktan ka. Hindi naman totoo nagsasawa nako e... gusto ko lang ng ano... ng... change." Niyakap ko siya kahit nakaramdam ako ng kirot sa paa ko. "Sorry na."
Huminga siya ng malalim bago ako niyakap pabalik. Mahigpit ang yakap niya pero hindi ako umangal at hinayaan lang siya ibaon ang mukha niya sa balikat ko.
"I love you Sari."
Pumikit ako at hinawakan ang likod ng ulo niya.
"I love you too."
BINABASA MO ANG
You Bury Me (Azrael Montefalco FanFic)
FanfictionBecause I love him with my everything... he became the axis of my world. He took over my whole being kahit na alam ko na isa lang ako sa mga babae niya. That I'm just one of his playthings, one of the extras in his story that he'll eventually forget...