Kabanata 16
Nakakamatay na tingin ang sinalubong samin ni Fitz pagkahatid sakin ni Azrael sa bahay.
Pero imbes na ibalik ni Azrael ang tingin na iyon ay ngitian niya lang si Fitz. Yung ngiting sobrang tamis na parang nanalo siya sa isang laban.
Matapos nun ay kumindat siya sakin at sumakay na ng kotse paalis.
Naalala ko tuloy yung tanong niya kanina.
"Are you in love with me?"
Hindi agad ako nakasagot sakanya. I'm in love with Azrael. Walang duda na mahal ko siya kahit noon pa. Pero dapat niya bang malaman iyon? If he knows how I feel anong mangyayari samin? May happy ending na ba? Sasabihin niya rin ba na ganun din ang nararamdaman niya?
"You don't have to answer now. May bukas pa naman." Sabi niya bigla sabay kurot sa pisnge ko.
Nagulat ako sa ginawa niya pero nakahinga ako ng maluwag. Ni hindi ko napansin na tumigil pala ako sa paghinga dahil sa tanong niya. Kung normal lang sana ang sitwasyon, kahit ipagsigawan ko pa na OO MAHAL KITA AZRAEL MONTEFALCO gagawin ko.
"Magkasama kayo buong gabi?"
Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Fitz. Malalim ang boses nito at halatang nagpipigil sa galit.
"O-oo.. Sorry."
Pano ba ko magpapaliwanag kay Fitz?
He's my childhood friend na parang bestfriend at brother narin. Alam ko na kaya siya galit kasi ayaw nya ko masaktan sa huli pero he needs to be happy for me.
"Nagbago kana Sari." Sambit niya.
"Huh?"
Iniwas ni Fitz ang kanyang tingin.
"Hindi na ikaw yung Sari na kilala ko. Nagbago kana pati sa paguwi dati bago pa lumubog ang araw nakauwi kana! Ano bang nangyayari sayo?!"
Hala. At ngayon sumisigaw na siya.
"Eh ngayon lang naman ako ginabi ng ganito--"
"Ngayon lang?! Have you forgotten that night Sari?! Sa club! You even lied na ako kasama mo para lang ano?! To flirt with the Montefalcos!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong sinabi niya? Yun ba ang tingin niya? Am I a slut now?
I wasn't flirting, I only have one man in my heart kahit na hindi pwede.
Biglang kumirot ang dibdib ko.
Ang tanga ko talaga.
Sinubukan ko na depensahan ang sarili ko pero binabara nya lang ako.
"Just stop! Dahil kung totoo yan di sana hindi ka hinatid ng gago na yon dito!"
Gago?!
"Fitz! Wag kang magsalita ng ganyan. Nagmagandang loob lang yung tao tatawagin mo pang siyang ganun."
"Dont be naive Sari. You know na may agenda yang Montefalco na yan! Stop playing right on his palm! Dmn wakeup! Baka di kalaunan malaman ko nalang na isa ka na sa parausan nya!"
Hindi ko nacontrol ang sarili ko at nasampal ko si Fitz.
Nagulat kami parehas sa nangyari. That was the first time I did that. I was never the type to hurt others physically.
Madilim pero napansin ko na medyo nagtubig ang mga mata ni Fitz. He looked like I betrayed him at nakasunsenya ako.
"I'm sorry Fitz."
Huminga ng malalim si Fitz at tinalikuran ako.
"If you really love me Sari then leave Azrael Montefalco. He only knows the word Love, he doesnt know what it really means. Pumasok kana sa loob." At nagumpisa na siya maglakad palayo.
Sumikip ang dibdib ko kasabay ng paginit ng mga mata ko. May ilang luha na nakawala pero pinunasan ko agad.
I didnt stop Fitz hanggang sa hindi ko na siya makita. Alam ko naman yun point nya eh but I'm hoping na ako yung makakapagbago nun.
And the first step to do that is...
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Shiela.
Matagal bago niya nasagot ito at halatang antok pa.
("Mm? Ano yun?")
Tumingala ako sa langit.
"Shiela..."
("Oh?") Narinig ko ang paghikab niya.
"I quit."
("Hmm?")
Humigpit ang hawak ko sa phone.
"Paki sabi sa Anti-Elijah... I'm quiting. Ayoko na ma-involve. Thank you. Good night."
("Ha?! Seryo--")
I ended the call bago pa niya matuloy ang sasabihin.
Binalik ko ang phone ko sa bulsa at pinagmasdan ang harap ng bahay namin. Ang bahay na kinalakihan ko bilang isang Ortega.
"I'm sorry Dad." I bit my lip.
Sorry po...
But I will never be a Montefalco.
That's the second thing I have to do. If ever maging Montefalco ako ay dahil dapat kay Azrael because he married me. Napangiti ako sa naisip. At kung iisipin ay hindi naman ganun kasama ang maging magkarelasyon ang magpinsan kasi uso naman yun nung unang panahon.
Tama.. I should be optimistic.
Papasok nako sa gate ng may nagsalita di kalayuan sakin.
"Anak?"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.
"Dad?"
He suddenly hugged me.
"Your mom and I were worried sick! Akala namin ano na nangyari sayo!"
Napalunok ako. "S-sorry po. Hindi na mauulit."
"It's okay. Sabihin ko sakanya andito kana." Ngumiti siya at akmang kukunin ang phone pero pinigilan ko siya. Nagtaka siya sa ginawa ko.
I need to tell him... I need to tell him...
"Dad can we talk?"
Tinitigan ako ni Dad na parang dinidecipher kung ano man ang iniisip ko. Bumuntong-hininga siya.
"Okay pero I'll text your mom. Baka kung san lupalop yun mapadpad kakahanap sayo."
Natawa ako sa sinabi ni Dad at tumango. Pinanuod ko siyang itext si Mommy hanggang sa binalik nya na ung phone sa blazer niya.
"Go ahead anak. I'm listening."
Hinawakan ko ang kamay ni Dad.
"Dad, I want you to know that Im happy to be your daughter. Kung pwede nga sana kayo ulit ni Mommy but I dont want to force you two." Huminga ako ng malalim. "But I cant have your name."
Hindi umimik si Dad kaya kinabahan ako pero kailangan ko ituloy to.
"I dont want to be a Montefalco. I want to stay as Sariel Ortega. Sana po matanggap niyo ang desi--"
Hindi ko natapos ang sasabihin dahil bumitaw si Dad sa hawak ko.
"Is this a curse?" Sambit niya.
"D-dad?"
"Ayaw mo maging Montefalco...? Dahil ba wala akong karapatan maging Montefalco?"
"H-hindi ko po kayo maintindihan."
Dad stayed silent for a moment bago siya magsalita ulit.
"I'm an adopted child, Sariel. I'm not a real Montefalco."
BINABASA MO ANG
You Bury Me (Azrael Montefalco FanFic)
FanfictionBecause I love him with my everything... he became the axis of my world. He took over my whole being kahit na alam ko na isa lang ako sa mga babae niya. That I'm just one of his playthings, one of the extras in his story that he'll eventually forget...