Kabanata 10
"Sari? Sari! HUY! Sari-sari store?"
Narinig ko ang tawanan nila pero hindi parin ako gumagalaw. Hindi ako makagalaw.
Hindi yun totoo... walang nangyari...
"Luh? Na-horny ba teh?" Siniko ako ni Marinel pero hindi ko siya pinansin.
"Pano siya mahohorny e wala naman siya nakita? Nakatalikod yung tao oy." Pang-asar ni Jenny.
"Ha! Montefalco yan oh! Mapa-audio o visual nakaka-horny!"
"Yuck! Tama na nga yan Marinel."
Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko kaya nilingon ko ito. Si Shiela.
"Okay ka lang?" tanong niya.
Hindi ako makasagot.
Hindi naman yun totoo diba?
"Sari?"
Pinilit kong ngumiti. "O-okay lang. Ano na gagawin natin?"
"Makikipagse--aray!" Binatukan ni Jenny si Marinel.
"Isa pang hirit nel kakalbuhin kita!" Banta ni Jenny pero bumelat lang si Marinel kaya nagtawanan nanaman.
"We planned on using our designs para sa decorations ng upcoming prom." Umpisa ni Carmina kaya pinilit kong alisin ang paulit-ulit na You like it here baby na narinig ko. Dmn. "Naisip kasi namin kapag nagustuhan yun ng principal baka bigyan tayo ng sponsorship para sa club funds."
"Sounds good. Makaka-save tayo dun."
"At magiging sikat kaya hahabulin na tayo ng mga fafa!" Dagdag ni Marinel kaya binatukan nanaman siya ni Jenny.
"Kaya two weeks bago ang prom kelangan tapos na natin to ha? Magandang maaga tayo matapos." Sabi ni Jenny. "Yun lang. Uwi na tayo gutom nako!" Bumaling si Jenny kay Carmina. "Girl, text mo nalang si Shion."
"Sige." Sagot nito. "Marinel sabay ka samin pauwi ni Shiela?"
"Ay wait lang!" Ani Shiela. "Kami ni Sari sabay ngayon."
"Ganern? Papalibre pa naman sana ako sayo." Ngumuso si Marinel.
"Kaya nga kay Sari ako sasabay kasi na-sense ko na." Natatawang sagot ni Shiela kaya nagtawanan ulit. Pinilit kong makitawa sakanila. Hindi namin pinlano ni Shiela magsabay pero everytime na ganito ay ibig sabihin may meeting ang Anti-Elijah.
"Una na kami. Bye girls ingat kayo!" Kumaway sila Jenny at Carmina bago lumabas.
"Bye girls! Wag na manood ha?" Humalakhak si Marinel bago siya hilahin ng dalawa palabas ng clubroom.
Yumuko lang ako habang awkward na natawa si Shiela.
"Let's wait for the others here. Papunta na sila."
Di tulad kanina na puro tawanan, ngayon ay medyo naging tense ang atmosphere kaya naglakad nalang ako papuntang bintana. Sinilip ko ang labas na halos wala ng tao. Sabagay, uwian na kasi nung class meeting palang namin. Talagang competetive lang yung mga classmate ko kaya siguro naisipan mag-meeting at buti nalang unlike nung grade school, wala nakong kaklase na Montefalco.
Bumukas ang pintuan at niluwa nun si Roxanne, ang kaibigan niyang si Glace at yung dalawang babae na hindi ko matandaan ang pangalan.
"Na-late ba kami?" Tanong ni Roxanne pagpasok niya.
"Hindi naman." Naka-ngiting sagot ni Shiela.
"So tell us..." Tanong nung isang babae na hindi ko maalala ang pangalan. "Any updates? Masyado kami naging busy kaya ngayon lang tayo ulit nakapagmeeting."
Tahimik na nakamasid sakin si Glace at yung isa pang babae. Tinignan ko si Shiela.
Pano nato? Walang naganap samin? Walang improvements. Kinagat ko ang ibabang labi ko. At isa pa... si Azrael... Azrael....
"Uhm.." Nag-fake ng ubo si Shiela. "Strangers parin ang level nila."
"What?" Inadjust ni Glace ang salamin niya at maiging tinignan si Shiela. "What about the club? You texted us na may high possibility silang magkakilala dun diba?"
"Oo nga!" Sumingit yung isang babae. "I even helped her kung anong susuotin! What the hell are you guys doing?! Bat ang bagal niyo?!"
Tinignan ko ang babae. So siya pala ang suspect ng malaswang kasuotan ko.
"Calm down Alyssa." Bumuntong-hininga si Shiela. "I got wasted alright. Kasalanan ko kaya hindi nakakilos si Sari."
Pinaliwanag ko kasi kay Shiela na umalis agad si Elijah sa club at mukhang wala sa mood kaya hindi ko siya nagawang lapitan. Tinanggap niya naman ang explanation ko and I honestly dont think na tinanggap niya yun ng ganun lang... Tinanggap niya yun kasi guilty parin siya dahil 'nahuli' ko siyang nilalandi si Fitz.
"My god Shiela! Ikaw dapat nag-gaguide kay Sari but what? You got wasted?!" Umirap yung babae na tinawag niyang Alyssa.
"Enough na please. Walang mangyayari satin pag ganito." Sabi nung isang babae.
"Stephanie's right. We need to come up for another plan." Ani Roxanne.
"A-anong plan?" Awkward kong tanong.
"I heard magkakaron daw ng special segment sa prom ngayon." Ani Shiela.
"Special segment?" Tanong ni Alyssa.
"The fated dance." Tugon naman ni Stephanie.
Fated dance?
And as if narinig ni Roxanne ang tanong ko sa isip ay sinagot niya ito.
"Yeah it's so cliche nowadays. Magkakaron ng special pairings after ng king and queen dance tapos kung sinong makakasayaw mo sa huli ay siya daw destiny mo."
"Wow parang sa movies lang." Manghang sabi ni Shiela.
Tumayo si Glace at lumapit sakin.
Maganda siya pero feeling ko ang sasabihin niya ay hindi maganda.
"Sari, you need to get him as your date sa darating na prom and make sure na ikaw ang f--"
Naputol ang sasabihin ni Glace ng bumukas ang pintuan.
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Who's dating who?" Tanong ng bagong dating.
Malalim ang kanyang boses at blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Medyo basa pa ang kanyang buhok. Wala siyang pang-itaas kaya mapapansin mo agad ang estraktura ng katawan nito.
Walang nakasagot sa tanong niya.
Walang nagkaron ng lakas ng loob.
Sino bang magaakala na bukod sa Montefalco ay may tinatagong karisma Si Thaddeus Kieran Angeles?
But that's not important now.
Napansin kong may gumalaw sa likuran ni Fitz at nanliit ang mga mata ko ng makilala ko kung sino yun.
"I win. Told you she's here kuya." Indifferent na sabi ni Shion.
BINABASA MO ANG
You Bury Me (Azrael Montefalco FanFic)
FanficBecause I love him with my everything... he became the axis of my world. He took over my whole being kahit na alam ko na isa lang ako sa mga babae niya. That I'm just one of his playthings, one of the extras in his story that he'll eventually forget...