Ito ay simpleng salita lamang
Ngunit napakahalaga sa bawat nilalang
Hindi ito matutumbasan
Ng kahit anong yamanIto ay makapangyarihan
Sa kahit anong paraan
Maaaring magdulot ng kaligayahan
Ngunit nagdudulot din ng kalungkutanIto ay salitang nagiging dahilan
Kung bakit may mga nagmamahalan
Kung bakit may mga nagbibigayan
At kung bakit may mga nag-aagawanIto ay madaling sambitin ng sino man
Ngunit hindi lahat kayang panindigan
Sapagkat ito ay makapangyarihan
Kung kaya mag-isip isip bago ito bitawan
BINABASA MO ANG
Tulang Pag-ibig
PoetryAng pag-ibig ay sadyang mahiwaga. Nakakapagdulot ito ng ligaya ngunit ito rin ay nagbibigay ng lunkot at pagkabigo. Dahil sa mga karanasan ng ibat ibang taong nakakasalamuha ko ay nakakabuo ako ng mga tulang patungkol sa kanilang mga karanasan. Sana...