Ala-ala

262 2 0
                                    

Sa aking pagiisa
Ikaw ang naaalala
Kung kaya ako ay umaasa
Na sa ala-ala mo ay ako rin sana

Hindi ko malimot ang mga pangyayari
Na ating pinagsaluhan, tama man o mali
Sapagkat iisa lamang ang sinasabi
Nang ating pusong pagmamahal ang naghahari

Ngunit nasaan na oh aking sinta
Ang mga sumpaan nating dalawa
Bakit sa isang iglap, nawalang parang bula
At ako ay iniwan na nag-iisa

Sana ay masaya ka sa ating sitwasyon
Kung saan hindi alam ng puso ang layon
Kung nararamdaman ba ay dapat nang ibaon
O maghihintay na dumating ang tamang panahon

Tulang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon