Noong bata pa ako, may katanungan sa isip ko
Ang Nanay at Tatay ko ba ay mahal ako?
Katanungan na hindi masagot ng isip at puso
Ngunit habang tumatagal, ito ay aking napagtantoLumaki ako na binigay lahat ng luho
Mga magulang ay ipinagkaloob mga hiling ko
Nariyan sila tuwing tumatangis ako
Ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko?Si Nanay lahat ng aking mga ginagawa
Kung tama, ito ay hindi binibigyang halaga
Ngunit kung pagkakamali ang aking nagawa
Agad agad ito ay kaniya nang napupunaSi Tatay madalas isang beses lamang makita
Sa loob ng isang linggo, sa Linggo lang nakakasama
Sapagkat sa aking paggising ay nakaalis na siya
At bago matulog ay wala pa siya dahil sa trabaho niyaMinsan naiisip ko, ako ba sa kanila ay mahalaga?
Bakit parang hindi ko ito nadarama?
Ngunit naisip ko, kung ako ay mahal nila
Sa papaanong paraan nga ba ito mapupuna?Isang pagkakataon ang dumating sa akin
Kung saan ni minsan hindi kayang isipin
Na paghihirap sa buhay ay darating sa amin
Doon ko nalaman kung ano ang dapat isipinHindi mahalaga kung paano nila ipapadama
Ang hinihingi kong pagmamahal at pagpapahalaga
Sapagkat ito ay kanila nang naipadarama
Sa kung ano man na paraang alam nilaNang panahon na ako ay naging isang Ina
At ang munting anghel ko ay isinilang na
Kasagutan sa tanong ko ay nahanap bigla
Na ang magulang, mahal ka na mula pa simulaKung kaya tayong mga anak,sana hindi magduda
Sa ating magulang lalo na sa pagmamahal nila
Sapagkat ano pa man ang mga pagkakamali nila
Alam ko at dama ko na ang anak ang pinakamahalaga***
A/N
Ang tula na ito ay para sa'yo Sis Haidz....
Mwahugs&Kisses
BINABASA MO ANG
Tulang Pag-ibig
ŞiirAng pag-ibig ay sadyang mahiwaga. Nakakapagdulot ito ng ligaya ngunit ito rin ay nagbibigay ng lunkot at pagkabigo. Dahil sa mga karanasan ng ibat ibang taong nakakasalamuha ko ay nakakabuo ako ng mga tulang patungkol sa kanilang mga karanasan. Sana...