Sa akin kayo ay mahalaga
Hindi niyo man ito halata
Ngunit sa akin kayo ay kakaiba
At wala makakapantay kahit sino paPagkakaibigang nabuo ng hindi sadya
Ay nagbigay sa akin ng ligaya
Ang akala ko noon, ito'y pansamantala
Ngunit tumagal ito ng hindi ko inaakalaKahit ngayong kayo ay mga abala
Sa kanya kanya nyong mga ginagawa
Nais ko lang sa inyo ay ipaalala
Na narito lang kami naghihintay sa inyong pagpapadamaHindi man tayo katulad nila
Asahan nyo na tayo ay naiiba
Kung kaya sila ay ipagwalang bahala
Sapagkat sila ay hindi dapat pagtuunan ng halaga.
BINABASA MO ANG
Tulang Pag-ibig
PoetryAng pag-ibig ay sadyang mahiwaga. Nakakapagdulot ito ng ligaya ngunit ito rin ay nagbibigay ng lunkot at pagkabigo. Dahil sa mga karanasan ng ibat ibang taong nakakasalamuha ko ay nakakabuo ako ng mga tulang patungkol sa kanilang mga karanasan. Sana...