Ano ba ako?

173 1 0
                                    


Ako ba ay isang buhangin
Na maliit man sa inyong paningin
Ay nakakapuwing din

Ako ba ay isang ibon
Na lumilipad sa maghapon
Ngunit hindi alam kung saan paparoon

Ako ba ay isang anino
Na laging nakasunod sa iyo
At sa dilim ay naglalaho

Ako ba ay isang kandila
Na sa dilim ay liwanag ang biyaya
Ngunit sa dulo'y nauupos din bigla

Ako ba ay isang tubig
Na mananatili sa silid
At kakailanganin kung ika'y nasamid

Ano nga ba ako
Sa isang taong katulad mo
Na tanging minamahal ko

***GLEAMorous Art

Tulang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon