Sa buhay ng bida, hindi mawawala ang kontra-bida
Hindi maiiwasan na sa isang tao, tayo ay magtiwala
Ituturing silang isa sa myembro ng pamilya
At hindi mag-aalinlangan na ipaalam ang lahat sa kaniya
Minahal mo, pinagkatiwalaan mo, isinama sa iyong mundo
Lahat ng ninais niya, sa kaniya ay ipinagkaloob mo
Ngunit sino ang mag-aakala na ang bulate na inalagaan mo
Ay lalaki ng husto at magiging parang ANACONDA na lalamon sa iyo.
Muli kang lumabas upang ibalik ang iyong lakas
At nang sa anacondang inalagaan, ikaw ay makatakas
Kung kaya naisipan mong mag-iba ng landas
Upang ang lahat ay mabigyan ng wakas.
Sa bagong landas na iyong tinahak
Iyong natuklasan ang isang mundong malawak
Kung saan ang mga bagay ay hindi mo hawak
Na siyang maaaring iyong ikapahamak
Lakas ng loob ang siyang pinaghawakan mo
Upang mabuhay sa hindi mo mundo
At pinilit tuklasin ang kakayahan mo
Kung ikaw nga ay nararapat sa ginagalawan mo
Ngunit sino ang mag-aakala na ang inaasahan mong tapos na
Ay malalaman mong ngayon pa lang ang simula
Sapagkat ang tinakasan mong anaconda
Ay may kasama pa itong, isang AMASONA
Inisip mong muling tumakas, upang muli ay mag-iba ng landas
Ngunit ganito na lamang ba ang iyong magiging wakas
Na sa tuwing may banta sa buhay, ikaw ay tatakas
At hahayaan na sila lamang ang haharap sa bukas
Sa halip na umalis at ikaw ay umiwas
Bakit hindi ka na lamang humugot ng lakas
Upang malampasan ang mga harang sa landas
At harapin ng buong tapang ang naghihintay na bukas
A/N
zhanepalagar ito na ang request nyo...
BINABASA MO ANG
Tulang Pag-ibig
PoetryAng pag-ibig ay sadyang mahiwaga. Nakakapagdulot ito ng ligaya ngunit ito rin ay nagbibigay ng lunkot at pagkabigo. Dahil sa mga karanasan ng ibat ibang taong nakakasalamuha ko ay nakakabuo ako ng mga tulang patungkol sa kanilang mga karanasan. Sana...