Lihim na pagsinta ang aking nadarama
Para dito sa natatanging dalaga
Ngunit tuwing siya ay nakikita
Tila ba ang dibdib ko ay dinadaga biglaSa malayo ko na lamang siya mamahalin
At hindi na aasang akoy kanyang mapansin
Bagkus ay akin na lamang idadalangin
Na siya ay lumigaya kahit hindi sa aking pilingDamdamin ay idadaan na lamang sa tula
Upang maiparating sa iyo oh aking sinta
Itong itinitibok ng puso kong nagwawala
At nais sabihin sa iyong Mahal Kita****hmmmm????
BINABASA MO ANG
Tulang Pag-ibig
PoetryAng pag-ibig ay sadyang mahiwaga. Nakakapagdulot ito ng ligaya ngunit ito rin ay nagbibigay ng lunkot at pagkabigo. Dahil sa mga karanasan ng ibat ibang taong nakakasalamuha ko ay nakakabuo ako ng mga tulang patungkol sa kanilang mga karanasan. Sana...