Siya ang unang lalaki sa buhay ko
Unang lalaking minahal at minamahal ko
Ang unang nagmahal sa akin ng totoo
Walang makakapantay na kahit sinoKapag ako ay problemado
Lagi siya sa tabi ko
Tuwing malungkot ako
Siya ang pumapawi nitoKapag aking mga mata ay lumuluha
Sa tabi ko ay laging nariyan siya
Kapag pakiramdam ko ako'y mag-isa
"Narito ako" iyan ang kaniyang paalalaSa tuwing mali ang mga desisyon ko
Nariyan siya upang paalalahanan ako
Siya ang nagmumulat sa mga mata ko
Upang landas ay maitama koKahit minsan ay hindi ko naramdaman
Na ako ay kaniyang pinabayaan
Kahit pa sinusuway ko siya minsan
Lagi pa rin siyang nariyanSa lahat ng pagsubok dito sa mundo
Kailanman hindi siya sumuko
Kahit pa nahihirapan na siya ng todo
Tinitiis niya lahat, mapasaya lang akoSa dami na ng lalaking nakilala ko
Mga lalaking dumating at dumaan sa buhay ko
Wala ni isa ang makakapantay dito
Sapagkat sa mundong ito, nag-iisa lamang itong AMA ko*Dedicated to my Father dear joeskyacosta
BINABASA MO ANG
Tulang Pag-ibig
PoetryAng pag-ibig ay sadyang mahiwaga. Nakakapagdulot ito ng ligaya ngunit ito rin ay nagbibigay ng lunkot at pagkabigo. Dahil sa mga karanasan ng ibat ibang taong nakakasalamuha ko ay nakakabuo ako ng mga tulang patungkol sa kanilang mga karanasan. Sana...