Babae lang ako na umibig sa iyo
Lahat ay gagawin, lahat isasakripisyo
Kahit sa loob ko ay mahirap ito
Ngunit aking titiisin para lamang sa iyoMinahal kita oh aking sinta
Alam mo 'yan simula't sapul pa
Nang ikaw ay aking makilala
Binihag mo na ang puso ko sintaMarahil minsan ako'y nagkakamali
Ngunit hindi ibig sabihing pag-ibig ko'y nabali
Sapagkat alam ko sa aking sarili
Na ikaw ang iibigin ko hanggang sa huliIsa lamang ang hinihiling ko sinta
Ito ay ipagkaloob mo ng buo ang tiwala
Sapagkat kahit anong gawin ko kung wala kang tiwala
Asahan mong relasyon natin ay tuluyang masisira.
BINABASA MO ANG
Tulang Pag-ibig
PoetryAng pag-ibig ay sadyang mahiwaga. Nakakapagdulot ito ng ligaya ngunit ito rin ay nagbibigay ng lunkot at pagkabigo. Dahil sa mga karanasan ng ibat ibang taong nakakasalamuha ko ay nakakabuo ako ng mga tulang patungkol sa kanilang mga karanasan. Sana...