Pagkakaibigan

134 1 1
                                    

Meron akong mga kaibigan
Nakilala ng hindi inaasahan
Ang dahilan ay isang tambalan
Na kilalang kilala sa kahit saan

Haide at Nimfa, iyan ang ngalan nila
Mga kasamang hindi ko inaakala
Na darating sa buhay ko ng bigla
At aking pagkakalooban ng aking tiwala

Hindi man kami madalas magkita
Ngunit sa aking puso ay naroon sila
Sapagkat maging sa aking diwa
Ay nakaukit na ang ngalan nila

Nawa'y hindi natin makaligtaan
Na tayo ay may pinagsamahan
At kahit pagsubok ay dumating man
Ang bawat isa sa atin ay hindi makalimutan

***This is for you sis HaidePalagar and mommy Nimfa

Tulang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon