Chapter Fifty Three- Wake Up

326 9 4
                                    

-Abigail's PoV-

Nabigla ako sa sinabi ni Mama

Jasper John Carter?

May John rin siya katulad ni John?

"Hindi ko kilala kung sino sa kanila ang pumapatay"

"Bago po ako makapunta dito...m-may dalawang taong may bitbit na isang tao. Tapos akala ko po, ikaw iyon kaya tinawag kita ng pagkalakas-lakas. Narinig ako ng isang tao at tumutok ng baril sa akin.. Sigurado po ako. Dalawa sila pero isa lang ang bumaril, at si John ang natamaan"

"Anak, I'm sure gusto niyang maghiganti" Mangiyak na sabi ni Mama. "Natanaw mo ba anak? Natanaw mo ba? If he's a guy or a girl?"

"I think he's a boy po. Pero mukhang hindi na po siya bata pero 'yung isang kasama niya, lalaki rin. Pero hindi ko po masyadong nahagip ang mukha"

"So it means.. May isa pa silang kasabwat?"

Tumingin kami ni Mama sa isa't-isa.

"Sino siya?" Sabay naming sinabi.

"Anak, bukod pa doon...may iba ka bang kasama nasaan si Tita Jaime mo?"

"Si Tita Jaime po?" Ulit ko at tumango ito. Saan nga ba ulit siya noon? Sa pagkakaalam ko tinakasan ko siya sa kwarto ko..

"Hindi ko po siya nakita simula noon Mama. Pero...may natatandaan ako bago ko mawalan ng malay"

"Ano 'yon?" Curious na tanong ni Mama.

"Sa gitna ng mga luha ko, hindi ko siya nakita pero sigurado akong siya ang taong bumaril kay John sa halip na sa akin. Kilalang-kilala ko po ang boses niya...mga sinabi niya, nakakabisado ko pa"

"Talaga anak? Sabihin mo sa akin sabihin mo kay Mama"

Lumingon ako sa kanya at tumango. "Noon nakatingin ako kay John, ang narinig kong boses ay.. 'Anong problema?!' tapos... ' "Huwag! Huwag niyo nang ituloy 'yan. Kailangan pa siya. Isakay niyo na siya sa kotse. Doon kayo dumaan sa emergency exit. Magingat kayo dahil may bomba doon' at... 'Ken, kailangang mawalan ng malay si
Abigail! Kunin mo narin si Jasper'"

"Ken? Abigail at Jasper?" -Mama

"Opo. Nandoon ako, inutusan niya po ang Ken na kailangan mawalan daw ako ng malay at kunin na daw po niya si Jasper" Natigilan si Mama sa nasabi ko. Bakit? May mali ba?

"Sigurado ka ba sa narinig mo anak?"

"Opo. Sigurado po ako Mama" Totoo iyon. Hindi ako nagsisinungaling kay Mama. Sigurado ako sa narinig ko at walang mali doon.

"Anak, hindi kaya..." Nanlalaki ang mga mata ni Mama at mukhang kinakabahan. Ha? Anong meron? Kinakabahan narin ako. "Hindi kaya--"

"Excuse me po, Abigail.. Gising na si John" Singgit ni Ivan kaya napatingin ako sa kanya at hindi rin naipagpatuloy ni Mama ang sasabihin niya, "Ah. Sige saglit lang Ivan" Sumaludo si Ivan at pumasok na ng kwarto. Tumingin ako kay Mama, tumayo ito kaya tumayo rin ako.

"Mama ano pong--"

"It's nothing. Puntahan mo na si John, babalik na kong mansion"

"Huh? Mama may problema po ba--"

"Wala. Baka maling akala lang ako" Sabi ni Mama at nagmamadaling umalis. Wala man lang akong kiss o goodbye. Dati rati, ganoon si Mama.

Tuluyan na kong pumasok ng kwarto.

My Boyfriend Is A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon