-Jasper's PoV-
"Arghhhh!" Daing ko at namumulupot sa sakit. Tsk. Bwisit! Nakatakas pa sila. Biglang sinipa ni Lexy ang pintuan. Kasama niya si Papa. "Jas--Oh my God! What happened?!" Sabi nito. Inalalayan nila ako papuntang kwarto. Si Ken naman, inutusan na itapon ang mga bangkay na binaril ni Abigail.
"Tsk. Nakipagkita sa akin si Ivan, pero si Abigail ang dumating. Bwisit, mapapatay ko na sana siya ng biglang sumulpot si Ivan kaya nakatakas sila" Kwento ko. "Tch. Buti nga hindi ka nila nabaril eh" Sabi ni Lexy. "Yeah. Dahil first time lang makahawak ni Ivan ng baril" Tugon ko. "You mean, 'yun 'yung narinig naming putok kanina?" Tanong niya at tumango ako.
Bumukas naman ang pinto at nakita namin si Ken na hinahapo. "T-Tropapits!! May nakita ko" Sabi niya at inabot niya sa akin ang isang maduming litrato. "Ano 'to?" Tanong ko. "Kayo ni Abigail. Hindi ba 'yan sa'yo? Ibig sabihin, kay Abigail ang picture na 'yan. Nakita ko 'yan sa shop eh" Tinignan ko naman ang litrato namin ni Abigail. Ang saya namin dito. Napangiti nalang ako ng konti.
Bigla namang hinablot ni Grandma 'yung picture kaya napatingin kami. "Dapat tinatapon ang bagay na 'to"
Sabi nito at naglakad papuntang restroom. Napabuntong hininga na lamang ako.*TING*
Napatingin naman si Papa ng nakakunot ang noo sa cellphone niya. "Bakit, Pa?" Tanong ko. Tumingin naman sa akin si Papa. Sobrang seryoso ng mukha niya. "Jarvie text me" Lumingon naman si Lexy. "Ano daw ba sabi?"
"She wants to kill us. She started the war. She needs a big revenge battle" Nagulat naman si Lexy maging ako rin. "Yooownnn! All in war! Bossing, kelan daw ba? Gusto niya ba ngayo--Aray naman Tropapits!" Reklamo nito dahil siniko ko siya. "Tss. Tumahimik ka kase!" Sigaw ko kaya natahimik naman ang g*go.
"Alright. Tommorow night ang labanan. Magpakalakas kayo. Dahil bukas na bukas...ang huling war na maibibigay sa atin ng Arasco, maging handa tayo. Magpapadala pa ko ng mahigit 100 na tauhan"
"Saan daw ba magaganap?" Tanong ni Ken. Sakto namang lumabas si Grandma ng restroom at mukhang narinig narin niya ang usapan.
"Sa Mall"
"Sa malll?" Gulat na sabi ni Lexy at Ken. "Seryoso? Eh ang dami-daming tao doon, paano natin sila--"
"Sa mall na pagmamay-ari ko. We can pretend to be a costumer if we want. Isasama ko ang mga tauhan ko para hindi naman nila masyadong mahalata" Napangiti nalang ako sa ideya ni Papa. "Nice plan" Singgit ni Grandma at pumalakpak. "I thought you'll never believe in my plans.." Naka-smirk na sabi ni Papa. "Definitely not... But, I still believe in you. Ash really have a great friend with you" Sabi ni Grandma habang nakahawak sa shoulder ni Tito.
"Should we start, Tommorow?" Sabi ni Lexy kaya napatango nalang kami.
***
The next Morning...
"Are you serious as f*ck?" Galit na sabi ni Lexy kay Ken. "Bakit? Wala namang masamang dumaan sa kanal ah? Maarte ka lang kasi" Bulong nito. "What did you say?" Nagsimulang lumapit si Lexy kaya pinigilan ko kaagad silang dalawa.
"Stop this b*llsh#t, assh-les" Awat ko, bumalik naman sila sa pwesto nila.Nandito kami ngayon sa basement at pinapaplanuhan ang gaganapin para sa mall mamayang gabi kasama ang mga tauhan ni Papa. "Okay. Stop this nonsense and let's go back to where we are" Sabi ni Papa kaya nag-seryoso na kami at tumingin sa hawak niyang blueprint ng mall niya.
"Sinabi ni Jarvie na dadating sila ng 9:00 p.m. mamaya, at ang pagsara ng mall is exactly 10:00 p.m. Our first problem is, paano natin sila mapapaalis sa lugar na 'yon before 9:00 o'clock, they need to be get out of there exactly 7:30 p.m. para mas maaga at mas malinis. Pero may isang oras pa ang mga tao bago umuwi. Maraming madadamay sa barilan kung magstay pa sila dun" Sabi ni Uncle. Napaisip naman kami. "Can't you just reserve that place?" Tanong ni Lexy. Uncle glared at her. "Lexy, that is not a joke. Hindi natin alam kung sino-sinong pupunta sa mall. Kung meron pa tayong oras, may magagawa pa tayong ipaalala sa mga tao na naka-reserve itong mall, simula palang" Sagot nito.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Killer
Acción-- Kilalanin si Jasper Carter, pinatay ang kanyang mga magulang noong siya ay sanggol pa lamang. Sa tulong ng kanyang tito, pinalaki siya nito at tinuring na parang anak upang maghiganti. Isang misyon lang naman ang kanyang gagawin. Ang patayin ang...