Chapter Seventy Five- My Boyfriend Is A Killer

702 17 4
                                    

-Abigail's PoV-

"Bee! Bee! *cough*" Pumunta ako sa Terrace ng mall kung saan nakita ko si Jasper na nasunog. Pero nang makapunta ako doon, wala na siya...

Umiyak agad ako ng makita ko 'yung abo sa sahig. Nawala na 'yung apoy pero patuloy parin 'yung usok sa paligid. Kinuha ko 'yung abo at hinawak-hawakan kahit nababasa na ng luha ko. I cried a lot, hindi ako makapaniwala na wala na siya... Wala na si Jasper.

"Love at first sight" Napatingin naman ako sa paligid at laking gulat ko ng may isang malaking screen at doon iniinterview si Jasper sa Korea. Napatayo ako at unti-unting lumakad.
"Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa ganung bagay, pero ng makita ko siyang papalapit sa'kin...first time kong tumingin sa isang babae, at nakita ko siya mismo sa mall sa isang Restaurant. Sa isang Zigzag's Restaurant" Napaiyak ako lalo ng makita ko siyang nakangiti.

"Tapos, una niyang tinanong sa'kin ay... 'Sir, may order po sila?' tapos ang sagot ko naman ay Fuck" Nagtawanan naman 'yung mga tao sa paligid niya. "Alam niyo bang, ayaw kong may water na may ice? Bakit? Dahil noong bata pa ko, nang uminom ako nun, halos sumakit lahat ng ngipin ko. Buong linggo akong umiiyak.. 'Yung water na may yelo na 'yun ang dinala sa'kin ng isang babae....isang babaeng TANGA-TANGA, isang babaeng ISIP BATA, isang babaeng PALANGITI, ang hindi ko aakalain na makakatuluyan ko hanggang sa huli"

"Sa huli eh patay ka na nga! T*nga ka rin naman pala eh. Huhu!" Sigaw ko. As if naman kung sasagutin niya ko eh abo nalang siya. :((

"Naglapag ako ng 500 pesos sa lamesa. Hindi ko aakalaing magkikita pa kami ng magandang babaeng 'yun, sa mall ulit. Pero ako itong isang taong...tawagin nalang natin na may mission...at ano ang mission ko?" Tumingin siya sa camera kung saan umiiyak ako habang nanonood. Tinuro niya agad ako.

"Hoy! Ikaw babae! Magandang babaeng umiiyak, oo ikaw nga! Mission kong patayin ang mga magulang mo, at sa huli'y patayin ka" Nakaturo niya pang sinabi. "Sino ba ko para sa kanya? Ako yata si Mr. 500 niya? Hindi. Mr. Dyaryong nakabaligtad? Nah-ah. Rapist? No no. Ako lang naman....si Jasper John Carter, ang Hero sa puso niya" Ngumiti naman siya kaya kahit umiiyak ako ay ngumiti narin ako.

"Hindi man ako si Superman na kayang lumipad.." Nakarinig ako ng may lumalakad.

"Hindi man ako si Batman na kayang magligtas sa gabi.." Alam ko may naririnig akong naglalakad.

"Hindi man ako kasing talino ni Ironman.." Parang may naglalakad talaga, sure na ko.

"Hindi man ako kasing galing ni Spiderman.." Papalapit na papalapit 'yung apak. Pinunasan ko ang luha ko pero tuloy parin 'yun sa pag-agos.

"Hindi ko man kayang iligtas ang mundo kagaya ni Aquaman.."

"Hindi pala ako pwedeng maging superhero. Bukod kasi sa ikaw ang kahinaan ko, hindi pa ako makalipad kasi parati akong nahuhulog sa'yo..."

May isang lalaking akong natanaw mula sa mga usok sa dulo ng terrace..

'Yung sapatos niya...

'Yung damit niya tapos 'yung...

'Yung mukha niya...

"Bee.." Ngumiti siya sa'kin. At may biglang tumugtog.

[A/N: Please play the video! Isipin niyo nalang na boses ni Jasper 'yun! ^____^]

"Hi~" He said at kumaway pa nang nakangiting nakatingin sa'kin.

"Girl, you just caught my eye~" I smiled ng makita ko siyang papalapit sa'kin.

My Boyfriend Is A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon