Superman {9}

2.9K 45 0
                                    

Chapter Nine

“ Superman“

~Day 38

Jija’s POV

Hi! Ako nga pala si Jija. Wala akong maish'share sa inyo kasi wala akong naaalala. Sa susunod na lang kapag may naalala na ako ha? ^__^

Nandito ako ngayon sa labas ng mansiyon nina lola Merced. Ilang araw nang galit sakin si Damiyan..:(((

Ay mali pala..araw’araw pa lang galit sakin si Damiyan. Tsaka nagtatampo din ako sa kanya. Pinaiyak niya ako nung nakaraang araw eh.

Kasi naman si Damiyan eh! :’(((

Nakakainis siya. Palagi na lang niya akong sinisigawan pagkatapos ang bilis’blis mag’init ng ulo niya sakin. Kaya nga simula nung sigawan niya ako dun sa park iniwasan ko na siya.

Galit na galit kasi siya nun eh. Nakakatakot siya. Ayokong masigawan niya ulit kaya iniiwasan ko na siya at hindi ko na din siya kinukulit.

“Jija punta tayong manggahan.”

Tawag sakin ni Zeros.

Buti pa si Zeros ang bait’bait niya sakin. Lahat din ng tanong ko sinasagot niya at palagi siyang naka’smile sakin. Hindi tulad ni Damiyan na palaging nakasimangot.

“sige!”

Gusto kong kumain ng mangga. ^_^

“medyo malayo dito ang manggahan. Kelangan nating sumakay ng kabayo Jija. Okay lang sayo?”

*******

Damian’s POV

Nakita kong inalalayan ni Zeros si Jija na sumakay sa kabayo.

Kaagad ko silang nilapitan. Papalapit na ako ng biglang magwala ang kabayo.

Tang’na! ba’t ba kasi yung kabayong yun pa ang pinili nila?!

“Zeros tulungan mo ako!”

Narinig kong sigaw ni Jija kay Zeros.

Tinulungan nga siya ng Zeros na yun. Pero anong panama ng payat niyang katawan sa isang kabayo? Nasipa siya ng kabayo kaya ayun nakahandusay sa lupa.

Kaagad kong nilapitan ang nagwawalang kabayo. Ba’t kasi si Tarsus pa ang naisipan nilang gamitin? Mailap tong kabayong to eh. Takot kasi sa tao.

“whooooo! Tarsus calm down!”

Sinubukan kong lapitan ang kabayo para mahawakan sa leeg. Doon kasi ang soft spot ni Tarsus. Kapag nahimas ko ang leeg niya kumakalma siya.

Pero bwisit lang! Grabe kung magwala si Tarsus!

“Damiyan! Damiyan tulungan mo ako”

Nakitang umiiyak na si Jija.

Biglang parang gusto ko siyang kunin sa pagkakasakay niya kay Tarsus.

“Tarsus!”

Bwisit na kabayo to!

“Jija, kumapit kang mabuti para hindi ka mahulog!”

“Damiyan. Natatakot ako”

Shit lang! Baka kung anong mangyari kay Jija! >_<

“Manong kunin niyo yung tranquilizer!”

Sigaw ko kay Manong Topeng.

“si-sigurado po kayo sir Damian?”

60 Days with My Amnesia Girl || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon