17

2.7K 36 0
                                    

Chapter Seventeen

~Day 47

*********

Damian’s POV

Kakalabas ko lang ng kwarto ng marinig ko ang ingay sa labas.

“naku mam Jija, baka po magalit si sir Damiyan kapag sinama namin kayo na hindi niya alam”

Narinig kong sabi ni Mang Toryo.

“hindi naman po siguro mang Toryo. Sige na po isama niyo na ako. please?”

Nakita kong kausap ni Jija sina Mang Toryo, Aling Nida at Kuring.

Mga taga barrio San Antonio sila. Isang maliit na lugar na sakop ng lupain ni lola.

“Jija san ka pupunta?”

Tanong ko habang papalapit sa kanila.

“ah..eh..kasi Damiyan fiesta sa barrio San Antonio. Sasama sana ako kina mang Toryo.”

“magandang araw po sir Damian.”

Tumango lang ako kay mang Toryo.

“sinong kasama mo?”

Tanong ko kay Jija.

“Sina mang Toryo lang. Kasi wala naman si Danica”

Sagot ni Jija sakin.

“wala akong natatandaan na nagpaalam ka sakin”

Wala siyang kasama na taga’dito sa hacienda. Eh kung mapano siya dun sa San Antonio edi kasalanan ko pa?

“eh kasi..kasi tulog ka pa kanina kaya hindi na ako nagpaalam sayo”

Nakayukong sagot niya sakin.

“so aalis ka ng walang paalam sakin ganun?”

Hindi ibig sabihin na tama yung mga sinabi niya sakin kanina ibig sabihin nun pwede na siyang pumunta o magdesisyon para sa sarili niya. She’s still my responsibility.

“hind----“

“get inside”

Sabi ko sa kanya.

Napatingin naman siya sakin.

“pero Damiyan gust---“

“inside. NOW”

Ulit ko.

Hindi niya kabisado ang lugar na sakop ng lupain ni lola. Hindi pa nga niya nalilibot ang buong hacienda na kung tutuusin ay one fourth pa lang ng lupa ni lola. Marami pang barrio ang lupang pagmamay’ari ni lola Merced at isa nga dun ang barrio San Antonio.

Kahit ako hindi pa nararating ang barrio San Antonio pagkatapos siya maglalakas loob na sumama sa mga taong hindi niya pa kilala ng lubusan?? Anong klaseng utak meron siya? Eh kung mapahamak siya dun?? >_<

Pumasok naman si Jija sa loob.

“sige na po mang Toryo makakaalis na po kayo”

“sige po sir”

Pagpasok ko sinalubong naman ako ni manang Sonya.

“sir Damian handa na po ang breakfast niyo ni maam Jija”

60 Days with My Amnesia Girl || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon