Chapter 42

2.1K 24 1
                                    

Chapter 42

-Damian’s POV-

“Damiyan, samahan mo’ko. Mag-bike ulit tayo, please?” parang batang request ni Jija sa’kin.

Alas otso na ng umaga at maganda ang sikat ng araw. Kita ko ang excitement ni Jija pero imbes na payagan siya ay tumanggi ako. Kaagad namang nawala ang excitement sa mukha niya. Medyo napangiti ako dahil ang cute niya habang naka-pout ang lips.

“hindi ka pwedeng mag-bike ngayon Jija kasi sasamahan mo ako” nakangiting sabi ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa’kin at nakita ko ang biglang pagbalik ng excitement sa mukha niya.

“talaga Damiyan? Saan tayo pupunta?”

“basta. Magbihis ka na muna doon sa kwarto. Andun na sa kama nakalatag ang susuotin mo. Hihintayin na lang kita dito” sabi ko sa kanya.

Kaagad naman siyang tumalima at umakyat kaagad sa kwarto. Ilang minuto pa ay tinatahak na namin ang daan papunta sa bukirin. Pagdating doon ay sa kwadra kami dumiretso.

“Damiyan, anong gagawin natin dito?” tanong ni Jija habang hawak-hawak ko ang kamay niya.

“basta” tipid kong sagot at nginitian lang siya.

Mabuti na lang at hindi na siya nangulit pa.

Sa kwadra kami ni Tarsus tumigil. Sa totoo lang, medyo kinakabahan at nagdadalawang isip ako sa gagawin kong ‘to. ‘Eto kasi ang isa sa mga wish ni Jija. Gusto niyang sumakay kay Tarsus.

“si Tarsus!” tuwang-tuwang sabi ni Jija ng makita niya ang itim na kabayo sa harapan namin.

Tulad ng inaasahan ay medyo nagwala si Tarsus. Ganun talaga siya kapag hindi pamilyar sa kanya ang isang tao. Siya ang pinakamailap at pinakadelikadong kabayo namin. Ewan ko nga ba dito kay Jija at gustong sumakay sa kabayong ito.

“wooo! Tarsus calm down” pagpapakalma ko at hinawakan ang ilalim ng tenga niya. Doon kasi ang soft spot ni Tarsus. Kapag hinimas mo siya doon ay nagre-relax siya at nawawala ang pagiging wild niya.

Parang biglang nagdalawang isip ako kung itutuloy ko nga ba ang pagtupad sa wish ni Jija. Pero...

“Damiyan, pwede ba akong sumakay kay Tarsus?” tanong sa’kin ni Jija ng mailabas na ng kwadra si Tarsus.

Nasa labas na kami ngayon at tintingnan si Tarsus habang mag-isang kumakain. Tiningnan ko si Jija.

“sigurado ka? diba nung huling sakay mo sa kanya muntik ka ng maaksidente?” sabi ko. Umaasang madi-discourage ko siya.

“oo nga. Pero ikaw naman ang kasama ko ngayon eh. Alam kong hindi mo ako pababayaan” sagot niya naman sa’kin.

60 Days with My Amnesia Girl || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon