Chapter 32

2.6K 30 3
                                    

Chapter 32

-Damian’s POV-

“tita, do I really need to attend?” tanong ko kay tita Agatha na nasa kabilang linya ng telepono.

Binyag kasi ng anak nila ngayon ni tito Anton—ang kapatid ni daddy. Nakalimutan ko kasing ninong pala ako.

“oo naman Damian. ‘Wag ka ng magdala ng mga damit mo, meron ka naman dito. Tsaka hinihintay ka na din ng dalawa mo pang mga pamangkin. Excited silang makita ka ulit. Magtatampo din niyan ang tito Anton mo at kahit ako kapag hindi ka pumunta”

Aisht! Ginulo ko ang buhok ko sa inis. Wala akong lusot nito. Tinatamad pa naman akong bumyahe ngayon. Tsaka walang kasama si Jija dito kapag umalis ako. Matagal kasi ang byahe papunta kina tita. Dapat mag-overnight ako doon kung gusto kong makarating bukas dahil 8:00 AM ang binyag.

“basta Damian, hihintayin ka namin ng tito mo ngayong araw. Sige, ingat sa byahe mo” sabi ni tita at bago pa ako makapagsalita ay binabaan na niya.

Ano ba ‘yan! Badtrip naman oh.

Pumunta ako sa mansiyon para hanapin si Jija. Maaga pa kasi kanina ng sinundo siya ng tatlong bubwit kong mga pamangkin para daw manood ng disney movies. ‘Yung isa naman tuwang-tuwa at kahit na hindi ako pumayag umalis pa din. Tigas ng ulo!

Pagdating ko ng mansiyon nasa sala na sila at naglalaro.

“Jija” tawag ko sa kanya. Lumapit din naman siya kaagad sa’kin.

“bakit Damiyan?” nakangiting tanong niya.

“ano..kasi..” nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya. Nakatingin kasi sa’kin ang tatlong bubwit na bumuntot sa kanya kanina. Abot tenga din ang mga ngiti ng mga ‘to.

“aisht! Umalis nga kayong tatlo dito. Ang chichismoso” inis kong sabi pero pinagtawanan lang nila ako.

“Damiyan, ‘wag mo silang sigawan. Ba’t ka ba naiinis?” nakapout na tanong ni Jija sa’kin.

“basta! Halika na nga lang dito. Doon ko na lang sasabihin sa may pool sa’yo” sabi ko sabay hatak kay Jija palayo sa tatlong bubwit na ‘yun.

“ba’t kayo sumusunod?!”

Ahhhh! Kakainis! Sunod ng sunod pa din ang tatlong bubwit!

“si kuya gustong solohin si ate Jija. Yieeeeee!” panunukso ni Felix sa’kin.

Anak ng!! Hahabulin ko na sana ‘yung bubwit na ‘yun na tawa ng tawa pa din pero pinigilan ako ni Jija.

“aray!”

Napahawak ako sa ilong ko.

“ba’t mo pinitik ‘yung ilong ko Jija?!”

Ang sakit!

“eh kasi bad ka Damiyan. Ba’t mo papatulan si Felix? Kita mong ang liit niyan pagkatapos papatulan mo din” sabi niyang naka-crossed arm pa.

Tawa pa din ng tawa ‘yung tatlong buwit. Nakakainis! Makaalis na nga lang!

“o Damiyan, saan ka pupunta?” pasigaw na tanong ni Jija sa’kin kasi medyo malayo na ako sa kanya. Hindi ko siya pinansin.

“Damiyan hintay! Damiyan!” hindi ko pa din siya pinansin. Natigil lang ako sa paglalakad ng bigla siyang sumulpot sa harap ko na hinihingal pa.

“ang..bilis...mo..na..mang..magla..kad...Dami..yan..” nahihingal na sabi niya at nakawak pa siya sa dalawang tuhod niya.

“sino ba nagsabi sa’yong habulin mo’ko?”

60 Days with My Amnesia Girl || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon