Last Chapter

1.7K 20 3
                                    

-Damian's POV-

 

            "Bitiwan mo nga ako!"


          Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa sinabi ni Jija. Sumalubong naman sa akin ang nakasimangot at naiinis na mukha niya.


          "Sinabing bitiwan mo ako!" ulit niya sa mas malakas na boses at tiningnan ang kamay kong nakawak sa kamay niya.


          "Ayoko," matigas kong sagot habang nakatingin sa kanya. "Hindi na ulit kita bibitawan, Jija."


          Hinding-hindi na ulit kita bibitawan kahit na ano'ng mangyari.


          Nakita kong naguluhan siya sa sinabi ko.


            "Teka, ikaw 'yong lalaki sa Hospital. Ikaw 'yong sinasabi ni lola na lalaking mahal ko," sabi ni Jija habang nakatingin sa aking mukha.


          "Ako nga Jija," pagkumpirma ko sa sinabi niya. "Naaalala mo na ba ako? Naaalala mo na ba ang pagmamahalan nating dalawa?"


          Alam ko nagmumukha akong tanga. Alam ko naman na maliit ang tsansa na maaalala ni Jija ang mga nangyari sa kanya noong nagka-amnesia siya...pero kahit sa maliit na tsansa na 'yon, umaasa ako na mabibigyan ulit ng pagkakataon ang pagmamahalan naming dalawa.


            "I'm sorry mister but I really can't remember you..or the love you're talking about."


          Muli, parang ilang beses na sinaksak ang puso ko sa sinabi ni Jija.


          "Kahit konti lang Jija. Kahit konti lang," pagsusumamo ko at hinawakan ang isa pa niyang kamay.


          Nagsimula na siyang magpumiglas sa hawak ko pero hindi ko siya hinayaang makawala.


          "Ano ba. Hindi nga kita naaalala. Please, let go of my hands," sagot niya habang pilit binabawi ang mga kamay niya sa akin.


          Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin. Sobrang sakit na hindi ka maalala ng taong kahit kailan ay hindi mo malilimutan.


            "Please, let me go. Leave me alone. Kahit ano'ng gawin mo hindi na maibabalik 'yong alaala ko sa 'yo nang magka-amnesia ako. Kung ano man ang sinabi, ginawa at pinangako ko sa 'yo noon, please forget about it. I'm sorry kung hindi na kita maalala. Wala na akong magagawa sa alaala nating nabura na sa isip ko. Ayokong umasa ka pa na maibabalik natin 'yong kung anong meron man tayo noon. Si Tyrone lang ang mahal ko."


          Nanlumo ako nang tuluyan sa sinabi ni Jija. Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya. Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya.


"Si Tyrone lang ang mahal ko."


60 Days with My Amnesia Girl || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon