Hi and Goodbye XD {11}

2.9K 46 5
                                    

Chapter Eleven

 

“ Hi and Goodbye XD“

 

~Day 40.1

Damian’s POV

Medyo dumadami na ang mga tao dito sa Area One. Nagdadagsaan na kasi ang mga tao dahil magdidilim na. It’s already 7PM in my wristwatch. Usually nga, 6PM pa lang madami nang tao dito.

“Damiyan, sasamahan ko lang sina Aya na bumili ng damit sa mall ha?”

Paalam sakin ni Jija.

“sige. Basta bilisan niyo lang ha? And promise me magbe’behave ka”

Sabi ko kay Jija.

Wala naman sigurong masamang mangyayari sa kanya. Nandito naman kami sa loob ng mall at kasama niya naman sina Aya at Jalyn.

“Yehey! Thank you Damiyan. Promise magbe’behave ako”

Masiglang sabi sakin ni Jija.

After that umalis na din sila.

******

Jija’s POV

Ang bait talaga ni Damiyan. Sinama niya na ako dito sa mall, pinayagan niya din akong mamili kasama sina Aya at Jalyn.

“Ate Jija bagay po ba sakin?”

Tanong ni Aya.

“wow! Ang cute’cute mo Aya!”

Para siyang barbie doll. Yung pinapanuod namin ni Danica sa TV. *O*

“Thank you po ate. Sige heto na lang ang bibilhin ko”

Pagkatapos naming magbayad sa counter naglakad’lakad na muna kami. Bumili kaming ice cream! *O*

Ang sarap’sarap talaga ng ice cream. Malapit ko nang maubos ang ice cream ko nang may lumapit na lalaki samin.

“Maam Jillian?”

Sino daw?

“Hindi po Jillian ang pangalan ko manong. Sorry po”

Ako kasi yung tinitingnan niya eh.

“hindi po. Kayo talaga si Maam Jillian. Ako po to, si Mang Kanor. Driver niyo po ako at ni Donya Rosario. Ilang araw na po namin kayong hinahanap. Sumama po kayo sakin mam Jillian. Matutuwa po si Donya Rosario kapag nakita niya kayo”

60 Days with My Amnesia Girl || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon