13:

2.9K 44 4
                                    

Chapter Thirteen

“ “

~Day 43

****

Damian’s POV

Kung kahapon tirik na tirik ang araw, ngayon naman parang isang drum ang binubuhos kada segundo mula sa langit. Mukhang may bagyo ngayon. Maliban kasi sa malakas na ulan, ang lakas din ng hangin.

Dalawa lang kami ni Jija ngayon sa bahay. Nandun siya sa kwarto niya. Hindi pa siya lumalabas dun mula kanina pagkatapos naming mag’agahan.

Ano kayang nangyari sa babaeng yun??

I’ve decided to check on her. Baka hindi na yun humihinga. Joke!

Kumatok ako sa kwarto niya. Walang sagot. Siguro natutulog siya. Masarap kayang matulog kapag umuulan.

Aalis na sana ako ng bigla akong makarinig ng sigaw mula sa kwarto niya.

Kaagad akong pumasok at nakita ko si Jija umiiyak sa kama niya.

“Jija. Anong nangyari? Okay ka lang?”

Sunod’sunod kong tanong sa kanya.

“Damiyan”

Umiiyak niya sabi sabay yakap sakin.

Nanginginig siya sa takot.

Ano kayang nangyari sa kanya?

Niyakap ko din siya. I wanted to make her feel safe. I wanted to protect her sa kung ano mang kinatatakutan niya.

“nanaginip ako Damiyan. Umuulan. Pagkatapos may nag’aaway na dalawang lalaki. Hindi ko makita ang mukha nila. Pagkatapos may kinuhang baril yung isa. Pagkatapos may biglang pumutok. Ang lakas ng putok Damiyan. Nakakatakot. Pagkatapos ang daming dugo. Yung babaeng kasama nila, itinulak nung lalaking madaming dugo. Nahulog yung babae sa dagat. Binaril ulit nung isang lalaki ang lalaking duguan. Pagkatapos...pagkatapos tumawa yung lalaking may hawak na baril. Nakita niya ako Damiyan. Sabi niya hahanapin niya daw ako pagkatapos babarilin niya din ako.”

Umiiyak na kwento sakin ni Jija.She had a nightmare. Dala lang siguro nang panonood namin ng horror at action movie kagabi. Nag’movie marathon kasi kami nina Jija at ng iba kong pamangkin kagabi. Sa sobrang kakaisip niya siguro napaniginipan niya na.

“you had a nightmare. Panaginip lang yun. Ang dami kasi nating pinanood na horror at action movie kagabi. Tahan na. Don’t worry andito ako. Hindi kita pababayaan”

Sabi ko sa kanya.

******

Jija’s POV

Mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko kay Damiyan. Natatakot pa din ako.

60 Days with My Amnesia Girl || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon