Chapter 51

1.5K 20 0
                                    

-Damian’s POV-

         

            “Bro? Gumising ka bro.”

          Nagising ako sa mahinang yugyog sa balikat ko at sa boses na gumigising sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang nag-aalalang mukha nina Arnel at bumalik sa isip ko ang mga nangyari kanina.

          Si Jija!

          Napabangon ako bigla pero namilipit naman ako sa sakit na naramdaman ko. Napatingin ako sa braso kong may benda na. Siguro ay sina Arnel ang naglagay. Dumudugo pa rin ‘yon pero hindi na gano’n kalakas katulad kanina. Bugbog-sarado din ang buo kong katawan sa mga kidnappers ni Jija. Tiningnan ko ang buong paligid at hinanap si Jija pero hindi ko siya nakita. Mas lalong akong nataranta kaya kahit na masakit ang katawan ko ay hindi ko na iyon pinansin at tumayo na ako.

          “Bro, dahan-dahan lang,” sabi ni Arnel sa akin habang inaalalayan akong tumayo.

            “Si Jija. Kailangang mahanap ko siya.”

          Hindi ko na hinintay pa sina Arnel at paika-ika akong naglakad palabas nang kwarto.

            “Hinahanap na sila nang mga pulis bro. Kasama naming pumunta ang mga pulis dito.”

          Kaagad akong napatingin kay Arnel. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil may tulong na dumating pero mas matimbang pa rin ang kaba at takot sa dibdib ko. Hangga’t hindi ko nakikita at nakakasama si Jija ay hindi mapapanatag ang loob ko.

          “Thank you bro pero kailangang mahanap ko si Jija. Hindi ako mapapanatag hangga’t hindi kami magkasama.”

          Pinagpatuloy ko ang paglalakad at hinanap si Jija. Nakita ko ring nakasunod sina Arnel sa akin. Kahit papaano’y bumalik na ang lakas ko. Habang naglalakad ay nagdadasal ako para sa kaligtasan ni Jija.

Sana okay lang siya. Sana mahanap ko na siya.

          Natigil ako sa paglalakad at mabilis na rinagasa nang kaba ang aking dibdib sa sunod-sunod na putok nang baril na aking narinig. Iisa lang ang nasa isip ko nang mga sandaling ‘yon.

Si Jija.

         

          Kaagad kong pinuntahan ang pinanggagalingan nang mga putok at dinala ako nito sa bandang likuran nang gusali na sa tingin ko ay isang parking area.

          Nagpapalitan nang putok ang mga kidnappers at mga kasamang pulis nina Arnel. Kaagad na hinanap nang mga mata ko si Jija pero ni anino niya ay hindi ko nakita.

          Nagsimulang maging takot ang kabang nadarama ko kanina.

60 Days with My Amnesia Girl || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon