Chapter 33

2.2K 25 4
                                    

Chapter 33

-Jija’s POV-

Kanina pa umalis si Damiyan at kanina pa din pabalik-balik sa isip ko ang ginawa niya kanina. Napahawak ako sa labi ko.

“baka mahalikan kita”

“mahalikan? Ano ‘yun?”

“bakit mo ‘yun ginawa?!”

“eh diba nagtanong ka kung ano, pinakita ko lang sa’yo!”

Naramdaman kong nag-init na naman ang mukha ko. Minsan ng manood kami ng movie ni Danica nakita kong ginawa din ‘yun ng lalaki sa babaeng mahal niya. Hindi ko nga lang alam kung anong tawag dun.

Malay ko bang ‘halik’ pala ang tawag dun. Noong hinalikan ako ni Damiyan kanina nagulat talaga ako kaya hindi ako nakagalaw. Pagkatapos sobrang bilis nung tibok ng puso ko, pakiramdam ko lalabas na sa dibdib ko.

“Jija huminga ka kung hindi hahalikan ulit kita!”

 

Sa sobrang bilis kasi ng ng tibok ng puso ko hindi ko na nagawang huminga. Pagkatapos uulitin niya pa?! Anong gusto niya mamatay na talaga ako?! Siya pa ang may ganang magalit samantalang siya naman ang may kasalanan!

“wag kang mag-alala babalik ako kaagad. Miss mo lang ako eh”

Isang pang-aasar pa talaga ang pinahabol niya bago siya umalis. Kainis si Damiyan!

Kaso kahit ano namang pang-iinis ni Damiyan hindi ko naman magawang magalit sa kanya. Oo, nagagalit din ako, napipikon at nasasaktan lalo na noong una na sinusungitan niya ako, sinisigawan, iniinsulto at pinagtatabuyan. Pero kasi kahit na ganun si Damiyan sa’kin palagi ko na lang nakikita ang sarili kong iniintindi siya. Kahit ganun ang pinapakita niya alam kung mabait siya, mapagmahal at maalaga sa mga taong mahalaga sa kanya. Hindi naman kasi siya magkakaganun kung hindi dahil sa mama at kapatid niya diba? Kaya siya naging ganun kasi mahal na mahal niya silang dalawa. Ang swerte nga ng mga taong mahal ni Damiyan. Ang swerte ni Cheniniah.

Napabuntong-hininga ako.

Noong nagpunta kami sa Marikit falls, hindi ko naman alam kung sinong pupuntahan niya eh. Basta nakita ko lang na nag-aalala talaga siya kaya pumayag akong umalis siya kahit nanghihinayang ako. Kasi naman, ilang beses ng hindi natuloy ‘yung paglilibot namin pagkatapos ng nagka-oras naman kami meron din siyang mas mahalagang pupuntahan. Ayoko naman kasing maging dahilan para hindi magawa ni Damiyan ang mga kailangan niyang gawin. Hindi naman ako ganun ka-importante para sa kanya eh.

Noong umalis si Damiyan noon sinubukan kong mag-enjoy. Kinumbinse ko pa nga ang sarili ko na sandali lang si Damiyan at babalik din siya kaagad...kaso kahit anong gawin ko nawalan na talaga ako ng gana kasi wala siya.  Naupo lang ako buong magdamag doon sa cottage at hinintay siya.

Gusto ko sana siyang tawagan kaso naisip ko baka makaistorbo ako sa ginagawa niya kasi importante nga ‘yung pinuntahan niya diba? Kaya ayun, naghintay lang ako sa kanya. Kaso nga lang mga dalawa oras na akong naghihintay sa kanya pero hindi pa din siya bumabalik kaya sinubukan kong tawagan siya.

60 Days with My Amnesia Girl || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon