12:

3K 39 0
                                    

Chapter Twelve

 

“ “

 

~Day 42

*****

Damian’s POV

Nandito kami ngayon sa manggahan. Araw ng ani kaya aanihin namin ang mga bunggang mangga. Masarap ang mga manggang bunga ng puno ni lola. Kasing sarap ng mangga sa Guimaras.

Nakita kong naglalaro si Jija kasama ang mga pamangkin ko. Naghahabulan lang naman sila.

“ikaw na yung taya ate Jija! Habulin mo kami”

Narinig kong sabi ni Felix, yung limang taong gulang kong pamangkin.

“sige ba! Takbo na kayo dahil huhulihin ko kayong lahat”

Sabi ni Jija sabay habol sa mga pamangkin ko.

Masaya naman silang naghahabulan kaya napagdesisyunan kong tumulong sa pag’aani.

“kuya Damian! Si ate Jija nadapa.”

Sumbong sakin ni Debby, yung 8 years old kong pamangkin na babae.

Naknangtokwa naman yan si Jija oh! Kaagad ko siyang pinuntahan.

Nakita ko siyang naka’upo sa isang bato habang pinapalibutan siya ng mga pamangkin ko.

“ate Jija okay lang po ba kayo? Ang laki po ng sugat niyo”

Narining kong sabi ni Serrina.

“okay lang ako Ina.”

Sagot ni Jija.

Nilapitan ko sila.

“Damiyan”

Sabi ni Jija ng makita niya ako.

“sinabi ko sayo diba mag’iingat ka”

Sabi ko kay Jija.

Tiningnan ko yung sugat niya sa tuhod. Malaki nga. Ang daming dugo at medyo may dumi pa.

Woooo! Ang likot kasing babae eh! hindi nag’iingat.

“sorry Damiyan”

Sabi niya habang nakayuko.

Hindi ko siya pinansin.

“uuwi na tayo. Dun ko na lang gagamutin yang sugat mo. Baka ma’impeksiyon ka pa niyan mamaya”

Sabi ko sa kanya.

“pero maglalaro pa kami eh.”

60 Days with My Amnesia Girl || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon