Chapter 14

2.3M 78.3K 18.7K
                                    

Chapter 14: Death

Zein's Point of View

Agad na nagtakbuhan kami sa direksyon kung saan namin narinig ang sigaw. Malakas ang tibok sa dibdib ko. Alam kong may masamang nangyari na naman.

Agad na bumungad sa amin ang isang lalaking nakabulagta na. May saksak ito sa likod ng tatlong beses. Malamang na sinaksak sya ng patalikod nang hindi nya namamalayan.

"Alisin nyo na nga ang bangkay na 'yan!" Nagulat kami nang nasa harap na pala namin si Teacher Kath na halatang inis na inis sa nakikita nya. "Nakaharang sa daan!" dugtong niya.

Dumating ang mga guard at iginuyod ang walang buhay na lalaking iyon. Iginuyod nila ito na parang walang pakialam sa bangkay. Hindi na nga nila ginalang ito, nilapastangan pa nila. Walang puso.

"At kayo!" Turo sa aming lahat ni Teacher Kath. "Ano pang tinutunganga nyo?!" aniya na mabilis na ikinalaho ng mga estudyante.

Kaming pito lang ang natira dito, kasama si Liam na inaaya na kaming umalis.

"Wala kayong gagawin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mia.

Maging ako ay nagulat sa ginawa nila. Parang wala lang sa kanila na may namatay na estudyante na hindi alam kung sino ang gumawa.

"Anong gusto mong gawin namin? Pag-aksayahan ng oras ang isang walang kwentang tao? Kung gusto nyo, kayo na lang. Excuse me."

Dumaan ito sa harap namin na nakataas ang kilay. Naiwan kaming pitong muli ay hindi makapaniwala.

"May namatay pero wala silang pakialam?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Mia.

"Ipinapakita lang nila na walang kwenta lahat ng andito, na hindi dapat tayo pinag-aaksayahan ng panahon." Ani Matt na malalim ang iniisip.

"Ganyan naman talaga sila e, wala silang pakialam sa mga namatay at lalo na sa pumatay." sabi ni Liam na ngayon ay nakangiti ng muli.

Anong meron sa lalaking ito at nagagawa nya pa ring ngumiti? Demonyo rin kaya sya? Katulad nila? Anong itinatago nya sa loob nya?

"Mas mabuti pang bumalik na muna tayo sa dorm." suhestyon ni Dave.

"Sige mauna na ako," Pagpapaalam ni Liam na nakatingin kay Vanessa na hindi nakatingin sa kanya.

Anong meron? Totoo kaya? Baka naman may pinaplano lang sya?

"Mauna na kayo, may gagawin pa ako sa office," sabi ko at pinauna na silang makalakad palayo.

Muli kong sinulyapan ang sahig kung saan hanggang ngayon ay may dugo pa rin. Isa na naman ang namatay at hindi alam kung sino ang pumatay.

Agad na nakuha ang atensyon ko ng mga patak ng dugo na papunta sa isang building. Naramdaman ko na lang na sinundan ko na ang patak na ito.

Sa kakasunod ko ay dinala ako ng mga paa ko sa isang kwarto na mukhang matagal ng hindi ginagamit. Sinulyapan ko ang pasilyo na walang tao bago ibinalik sa seradula ng pinto ang aking paningin.

Mapanganib kung bubuksan ko ito. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin, kapahamakan? Maari, pero alam kong wala rin akong magagawa kapag binalot na ako ng kuryosidad.

Naramdaman ko na lang na pinihit ko na ito at unti-unting itinulak. Mejo mahirap na itong buksan at lumalagatok ang pinto kapag tinatangka kong itulak. Habang itinutulak ko ito ay naramdaman ko na agad na hindi ako nag-iisa.

Madilim na kwarto ang bumungad sa akin. Kinapa ko ang sindihan ng ilaw, mejo kinilabutan ko ng maramdaman na mejo mabasa-basa ang switch. Patay-sindi lang ang ilaw at isang magulong kwarto ang tumambad sa akin.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon