Chapter 37: Order
Zein's Point of View
Gumising ako nang nakangiti. Pumasok sa mga next subject na nakangiti. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Baka nga tama si Supremo na isa akong bipolar?
"Look who's here?" Napatigil ako sa paglalakad patungo sana sa SSG Office nang harangin na naman ako ni Roxane kasama ang kanyang dalawang alalay.
"What do you want, Queen Roxane?"
Ang kaninang nakangiwing labi ay napalitan ng isang ngiti just by hearing the 'queen' word. Reyna naman talaga sya, para sa kanila at gagaya na lang ako, ayoko ng madamay sa kahit na anong gulo. Ayoko nang makagawa na naman ng isang maling galaw na makakasakit na naman, hindi lang sa akin kundi sa iba rin.
"Tutal binanggit mo na rin ang Queen. Ikuha mo nga ako ng Juice sa cafeteria."
"Ako sandwhich." Sabi ng babae sa kaliwa. "Ako pizza." Wika naman ng nasa kanan.
Wala namang kaso kung 'yon lang ang ipagagawa nila makaiwas lang ako sa gulo pero ang kaso ay ang layo ng cafeteria kung nasan kami ngayon, idagdag pa ang tirik na tirik na araw. Baka mahimatay na lang ako bigla.
"Sorry..." aktong lalagpasan ko na sila nang maramdaman ko ang dalawang kamay na nakahawak sa magkabila kong braso.
Mariin akong napapikit bago padabog na inalis ang kanilang mga kamay. "Fine!" Narinig ko ang tawanan nila kahit na mejo malayo na ako sa kanila.
You should be thankul, I am in control of myself bitches.
Halos takbuhin ko na ang cafeteria para lang mapabilis at nakasunog ang sikat ng araw dahil wala pang cover ang itaas dahil nasa quandrangle ako.
"UGH!" I frowned for the nth time.
Kung hindi ko lang sana inaalala ang mangyayari kapag kinalaban ko kayo baka lupasay na kayo ngayon sa lupa. Smirk.
Napahinto ako at napahawak sa tuhod ko dahil sa sobrang layo at init na mas nagpapadoble ng pagod na nararamdaman ko. Naramdaman ko ang isang anino sa likod ko kaya mabilis akong napalingon.
Pinayungan nya ako na ikinakunot ng aking noo. "Ang init naglalakad ka sa ilalim ng araw." Aniya.
"And so what, Liam?"
Ngumisi ito bago umiling. "Saan ka ba kasi pupunta at parang nagmamadali ka?" Tanong nya.
Hinablot ko ang payong nya at naglakad na palayo. Marami na akong nakilala sa HU at ayoko nang may dumagdag pa.
"Wait!"
Naramdaman kong nakisilong sya sa akin. Hindi na lang ako nagreklamo dahil sa kanya naman ang payong na ginagamit namin.
Pagkarating namin sa cafeteria ay binitawan ko na lang bigla ang payong at pumunta sa counter para mag-take out ng mga inutos sa akin. Huh.
"Ang dami naman nyan. Ikaw ang kakain?"
Hindi ko sinulyapan si Liam at hinintay ko na lang ang order ko.
"Ang sungit mo."
"You know what?" Humalukipkip ako sa harap nya. Nakakabadtrip kasi at dumagdag pa sya. "Kung ayaw mong masungitan, lubayan mo ako." Kinuha ko na ng order ko at kinuha muli ang payong nya at nagmadaling lumabas ng cafeteria.
Buti na lang at hindi na nya ako sinundan pero ang payong nya--- Di bale, isasauli ko na lang ulit sa kanya baka magkautang na loob pa ako dahil sa payong na ito.
BINABASA MO ANG
Hell University (PUBLISHED)
Mystery / ThrillerA place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything will blur. A lot of secrets are being hid. Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Bad...