Chapter 25: Birthday
Zein's Point of View
Umupo ako mula sa pagkakahiga. Kahit na ipikit ko ang mata ko, gising ang diwa ko. Hindi ako makatulog, may bumabagabag sa akin, alam ko.
Napatingin ako sa bintana. Nakalock ito dahil bloody night na. The time when killing is legal. Everyone is afraid of this range of time, so am I. Kinakatakutan ng lahat ang gabi, pero para sa akin? Gustong-gusto ko ang gabi, tahimik, parang normal lang ang lahat. Masarap isipin na nasa ordinaryong paaralan lang ako. Nag-aaral to make my family proud.
Masarap isipin na isang bangungot lang ito. Sana nga, sana isa na lang itong bangungot. Sana magising na lang ako sa panaginip na ito.
Mariin kong ipinilig ang aking ulo. I need air but it is not safe outside. Lumabas ako ng kwarto at iniwan sina Mia at Vanessa na mahimbing na natutulog.
Kumunot ang aking noo nang makita na bukas ang kwarto ng boys ngunit walang laman ito. Dali-dali akong pumasok at iginala ang aking mata. Shit!
Asan sila?!
Nanlamig ang katawan ko nang makita na hindi nakalock ang front door. Ayokong isipin na--- Hindi, mali ang iniisip ko.
Sinampal-sampal ko ang sarili ko. Ayoko! Sana panaginip na lang talaga ito! Ayokong isipin na--- Hindi!
Napaupo ako sa sofa at tulala na napatingin sa kawalan. Kailan pa? Matagal na ba silang nawawala tuwing mahimbing ang tulog namin? Pero bakit? Lumabas ba sila? Pero bakit? Anong ginagawa nila?
Bloody week. Walang pinagkaiba ang gabi sa umaga ngayon pero alam kong delikado ang gabi kung ikukumpara sa umaga. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat ko ngayong ikatakot.
Ang umaga at masaksihan ang krimen o ang gabi pero bulag kami sa katotohanan?
Kailangan ko silang hanapin.
Maingat na bumalik ako sa kwarto. Mas lalong nanlamig ang aking sistema nang makita ang mulat na mulat na mata ni Vanessa. Nakatingin ito sa nakasaradong bintana.
Napako ako sa kinatatayuan ko.
"Umalis na naman sila?" Isang mapait na ngiti ang pumorma sa labi ni Vanessa. Hindi sya nakatingin sa akin ngunit ramdam ko na nanginginig ang boses nya.
Halos sumabog ang utak ko sa kakaisip. Anong ibig nyang sabihin? Bakit ganito? Anong nangyayari sa amin? Akala ko ok kami? Akala ko walang nagbago sa amin? Masyado ba akong nagpakatanga?
"N-Nasaan sila?" Halos walang lumabas na tinig sa aking bibig.
Ang panlalamig ng aking katawan ay umabot na sa puso ko. Ang pintig ng puso ko ay unti-unting bumabagal. Umabot na rin ang lamig sa aking utak na ayaw gumana. Shit!
Anong nangyayari?
Tumingin sa akin si Vanessa. Nakangiti pa rin sya, mapait na ngiti. Nanginginig na ang labi nito ay kahit na anong segundo ay kakawala na ang nararamdaman nya pero pinili nyang pigilan para hindi magising si Mia.
Lumapit ako sa kanya at hinila sya palabas. Pumasok kami sa kwarto ng mga boys at itinulak siya sa kama. Pinaningkitan ko sya ng mata kaya wala syang nagawa kundi ang yumuko.
May kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko at mahirap na tanggapin na nakakanginig ng laman ang bawat detalye na nabubuo.
"Sabihin mo." Lumuhod ako sa harapan nya at hinarap ang mukha nya sa mukha ko. "Anong nangyayari dito?" Tanong ko.
Hindi sya sumagot pero unti-unting bumagsak ang mga luha nya. Tumayo sya at isinara ang pinto na animo'y nag-iingat na walang makarinig ng pag-uusapan namin.
BINABASA MO ANG
Hell University (PUBLISHED)
Mystery / ThrillerA place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything will blur. A lot of secrets are being hid. Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Bad...