Chapter 52

2M 72.3K 19.6K
                                    

Chapter 52: Battle

Zein's Point of View

Nagising ako sa isang selda at nakagapos. Hindi lang ako nag-iisa dahil marami kami rito. Nakatulala ang iba habang ang iba ay mahimbing pa rin na natutulog.

"Z-Zein..."

Nabalin sa gilid ko ang aking mata kung saan nakagapos din sa aking tabi si Mia na halatang nanghihina pa rin.

Nakaramdam ako ng awa at the same time ay inis. Naaawa ako sa kalagayan ni Mia. Sa aming magkakaibigan, masasabi kong si Mia ang mabilis panghinaan ng loob. Naiinis ako sa sarili ko na lahat ng ipinangako ko ay parang napako.

Ipinangako ko na lalaban ako, na ilalabas ko sila, na hindi ko hahayaang masaktan sila pero anong nangyari? Wala. Binigo ko sila. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Shit! Hindi dito magtatapos ang lahat.

Hindi ako basta-basta susuko... susuko lang ako kung wala na akong ipinaglalaban pero hanggat nariyan sila... I won't give up... kahit wala akong laban, lalaban ako.

Nakarinig ako ng ipit na hagulgol at parang gusto kong takpan ang aking tainga ngunit hindi ko magawa dahil maging ang aking mga kamay ay nakagapos.

Ayokong makarinig ng iyak.

"Asan ang iba?" Tanong ko.

Kinabahan ako nang mapagtanto na kami lang ni Mia ang narito. Asan sila Vanessa? Matt? Jerome? Dave? Asan ang mga kaibigan ko?

"H-Hindi ko alam... Zein. Natatakot ako."

Umusod ako ng konti papunta kay Mia para harapin sya. Sumikip ang dibdib ko nang makita ang pagdausdos ng luha mula sa kanyang mga mata.

"Sshh. Matatapos din 'to. Makakalabas tayo."

"P-Pero, paano?"

Hindi ako nakasagot dahil maging ako ay hindi alam ang sagot doon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong plano pero wala rin akong planong sumuko.

Napapikit ako nang humagulgol na ito.

"K-Kasalanan ko ang lahat ng ito..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Naguguluhan man ay pilit ko itong pinapatahan. "A-Ano bang sinasabi mo? Wala kang kasalanan at kung meron man... Lahat tayo 'yon." Paliwanag ko ngunit umiling ito at umiwas ng tingin.

Tumahan na ito bago ngumisi. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa inaasta nya.

"H-Hindi mo alam kung gaano kalaki ang nagawa kong kasalanan..."

"Wala kang kasalanan." Pagtatama ko na mahina nyang ikinatawa.

Shit!

"Hindi aksidente ang lahat... Ang mapa papunta dit-"

Natigilan sya nang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang dalawang naka surgical mask.

Sinamaan ko sila ng tingin nang dumapo sa akin ang tingin nila ngunit binalewala nila 'yon bagkus ay nilapitan nila ang isang babaeng kanina ko pa naririnig umiiyak.

Napaatras ang babae at bakas ang sobrang takot sa kanyang mata. "A-Anong kailangan nyo?" Nanginginig na tanong nito.

Sinenyasan ng isang naka surgical mask ang kanyang kasama na tinanggal ang pagkakagapos ng babae.

Nagsisigaw ang babae at pilit na nagpumiglas nang sapilitan itong itinayo ng dalawa. Napangiwi ako at kumuyom ang kamao ko nang sikmuraan nila 'to kaya nawalan ng malay.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon