Chapter 18: Monster/Demon
Zein's Point of View
Dala na rin ng pagod sa paglilinis ay agad akong nakatulog, naalimpungatan na lang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
Kumunot ang noo ko nang makita si Dave na galing sa labas at pawis na pawis.
"Saan ka galing?" Inaantok na tanong ko. Natigilan ito at mejo nagulat.
Sumulyap ako sa orasan at 4:30am pa lang and definitely ay bloody night pa rin. Teka, anong ginawa nya sa labas?
"W-wala. Nagpahangin lang." Aniya at sinilip ang kabilang kwarto kung saan natutulog pa sina Matt at Jerome.
"Nagpahangin?... bloody night a. It's not safe to go outside."
"Nagpaantok lang ako, sige matulog na ako." Aniya sabay pasok sa kwarto nila at nilock ang pinto.
Nagpahangin pero pawis na pawis? Nagpaantok pero hinihingal? Ang labo naman nya. Naramdaman kong muli ang antok kaya sandali akong nakabalik sa tulog.
Mabilis na napatayo ako sa kama nang marinig ko ang nakakabinging tinig ni Mia.
"Anak ng putakte late na tayo!"
Napabalikwas na rin si Vanessa at sumulyap sa wallclock. "8:30 na." Inaantok na sambit ko.
Magkakaklase kami sa first subejct which is math at kay Sir Alvarez 'yon.
"Teka, ang oa nyo naman! Pwede naman tayong hindi pumasok ah," inaantok na suhestyon ko.
Wala naman na kasi kaming magagawa since 30 minutes na lang at tapos na ang first subject namin. Kahit bilisan namin ay hindi na kami aabot.
"Periodical test ngayon, Zein! Wala ka bang alam?!"
Halos himatayin na si Mia. "Ngayon? Hmm, di ako na-informed." Bale walang sambit ko.
Kaya naman pala puro libro ang hawak nila this week ay periodical na at definitely, hindi kami nakapag exam kay Sir Alvarez.
Lumabas kami at binuksan ang pinto ng boys na tulog na tulog pa rin. Natawa na lang ako nang paghahampasin sila nina Vanessa at Mia ng unan.
"Teka! Bakit ba kayo nang hahampas?!"
"Ano ba ang sakit ah!"
Nag-inat-inat pa sila at hindi alam na late na late na kami. "Wala na! Late na tayo sa Math!" Nanghihinayang na sambit ni Vanessa.
"Teka! Bakit hindi nyo kami ginising?!" Gulat na tanong ni Dave.
"Oo nga!" Sang-ayon ni Jerome.
"Late rin kaming nagising! UGH! 60 percent ang periodical test! We will fail! God! Paano na ang inaasam nating Highest 10!" Naghi-hysterical na talaga si Vanessa.
Hindi ko alam pero unti-unting naglaho ang ngiti sa aking labi matapos marinig ang 'highest 10'. Pumunta na lang ako sa cr para maghilamos at magtoothbrush.
Masama ba akong kaibigan kung magiging masaya akong hindi sila nakapagperiodical? Inaamin ko, sumaya nga ako kasi for sure na babagsak sila sa Math at hindi na sila mapapasama sa H10, 'di na rin sila makakalabas ng HU.
Pagkalabas ko ng CR ay dinig ko pa rin sina Mia at Vanessa na naghi-hysterical. Ang oa talaga nila haha.
"Good morning..." Nakangiting bati sa akin ni Matt.
Napangiti na lang din ako. Nakakahawa talaga ang ngiti nya.
"What's good in the morning? Hindi nga kayo nakapag exam e." Natatawang asar ko.
BINABASA MO ANG
Hell University (PUBLISHED)
Mystery / ThrillerA place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything will blur. A lot of secrets are being hid. Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Bad...