Lokakohan (Prologue)
"Thank you Sir! Come again!" magalang na sabi ng isang babae.
"OK pala rito sa Jollibee. Kahit sa paglabas babatiin ka," naisip ko matapos lumabas ng Jollibee. "Dito ulit ako tatae next time."
Tawagin nyo nalang akong 'BAD OMEN' dahil kadikit na yata ng pagkatao ko ang kamalasan. Hindi naman ako madamot kaya trip kong ishare ang kamalasan ko sa mundo. Gusto kong iparamdam sa iba kung gaano kamiserable ang naging buhay ko. Ito marahil ang dahilan kaya ako nagbalik, sa mundong ito, sa panahong ito.
Biglang kumidlat at kumulog ng sobrang lakas, pero hindi ako natakot. Alam kong mga adik lang sa Barbie doll at Pokemon ang mga natatakot sa kulog. Sa paglalakad ko, isang nilalang na nakasuot ng itim na robe ang humarang sa aking daraanan. Sa itim na kulay ng kanyang suot ay hindi ko maaninag ang kanyang itsura.
"Gusto mo bang sabihin ko ang magaganap sa araw na ito?" tanong ng boses babae na humarang sa akin. "tungkol ito sa iyong misyon."
"Misyon? Hindi pa ba sapat na nagtanim ako ng bomba sa isang bangko na sasabog nang eksaktong alas kwatro ng hapon?"
"Isang mortal ang magiging sanhi ng paglalaban ng pwersa ng kasamaan laban sa kabutihan. Humanda ka na sa mga magaganap!"sabi ng babae na parang binabalaan na akong malapit na magunaw ang mundo. "NALALAPIT NA ANG SIMULA NG KATAPUSAN!!!!" sigaw ng nakakairitang babae. "NALALAPIT NA! NALALAPIT NAAAAAAAAAAA !!........................................... "BANG!!"
Hindi na natapos ang sasabihin ng babae dahil isang malakas na putok ng baril ang bumalot sa katahimikan ng gabi."Ayoko sa lahat, maingay!" iyan na lamang ang nasabi ko habang cool na ibinabalik ang baril sa aking bulsa.
BINABASA MO ANG
LOKAKOHAN
Teen FictionBadtrip na lovelife, nakakasawang buhay, eto na marahil ang buhay ng karamihan, tulad ni Celso. Ngunit ang lahat ay biglang magbabago dahil sa isang hindi inaasahang pagti-trip ng Kapalaran. Ano nga ba ang magagawa ng isang tao upang mahanap ang t...