Lokakohan ( Chapter 7)
(14:20)
"Whattaness?" sobrang naguguluhan na sambit ni Drew.
Nagtataka si Drew sa nakita. Nakita niyang isinakay si Celso sa isang red na van. (Ang galing noh, biglang sumulpot si Drew?) Anong gagawin ni Drew para iligtas ang bestfriend niya? Aaahhhhhhhhhh!!! Panic! Joke, hindi niya iyon ginawa.
"Ngayon nagsisimula na ang kadiliman sa buhay ni Celso," sabi naman bigla ni Cilegna na katabi na ngayon ni Drew. (Naks, pati si Cilegna biglang sumulpot. Gulat ka noh?)
"Ba-bakit nandito ka na naman?" tanong ni Drew na na katulad mo ay nagugulat din sa nagaganap.
"Sinabi ko na sayo ang magaganap, hindi ka naniwala," sagot naman ni Cilegna.
"Malay ko ba kung nadyo-joke ka lang. Saka hindi naman tayo close para mag-joke ka. Kaya akala ko nagdyo-joke ka lang kahit hindi tayo close," magulong sambit ni Drew.
"Hindi pa ba halata na nagkatotoo ang sinabi ko sayo?" sabi ni Cilegna.
"Ano ka ba prophet? Alam mo ba kung anong lalabas sa lotto? Uulan ba bukas? Anong magyayari sa akin 5 years from now? Magkakaroon ba ako ng artistang asawa?" tanong ni Drew kay Cilegna. Hinawakan naman ni Cilegna sa balikat si Drew.
"Seryoso na ang nagaganap hindi ka pa rin umaayos! Gumising ka sa panganib ng katotohanan! Nasa panganib ang matalik mong kaibigan!" sabi ni Cilegna na niyuyugyog ang balikat ni Drew.
"O-o na Ci-leg-na" sabi ni Drew habang nahihilo at ina-assemble ang mga butong nabali dahil sa pagyugyog ni Cilegna.
Meanwhile sa kabilang banda,sundan natin ang pagtakbo ng teknolohiya sapamamagitan ng linya ng telepono na patuloy na dumadaloy sa ibat-ibang poste ng telepono, na gamit pangkomunikasyon, patungo sa bahay nila Jessa, ay maririnig natin ang usapang magtita nila Jessa at Tita Aivon.
"Opo Tita Aivon everything is under control," sagot ni Jessa, labing limang taong gulang, isang tipikal na dalaga.
"So tell me, where's Vincent?" tanong naman ni Tita Aivon, late forty-ish, malapit na magmenopause kaya naman medyo masungit.
Naalala ni Jessa kanina lang ay may dumaan na nagbebenta ng taho sa tapat ng bahay nila at nagpaalam si Vincent na bibili lang ng taho at hindi na bumalik.
"He's just hanging out somewhere," patay English na naman ang usapan.
"So where exactly is 'somewhere'?" nakakasindak na tanong ni Tita Aivon.
"Somewhere is beyond there, outside, not inside our house, out there, beyond the land and under the sun," englishang sagot ni Jessa.
"SAAN NGA????" sigaw ni Tita Aivon at nanginig ang buong kwarto ni Jessa sa sindk na dulot ni Tita Aivon.
"Tita wag ka naman magalit. Hindi ko po talaga alam basta lumabas po ng bahay," sagot ni Jessa at medyo kinakabahan na.
"SIGURADUHIN MONG PAG-UWI KO NANDIYAN NA SI VINCENT DAHIL KUNG HINDI, SUSUNUGIN KITA AT IKE-CREMATE KO ANG MGA ABO MO!!! Bye! *God bless you*!" ang nakakahindik balahibong sambit ni Tita Aivon pero pa-sweet sa dulo.
Bakas pa rin ang aftershock sa utak ni Jessa. Blackbelter pa naman ang Tita Aivon nya sa judo, karate at arnis. Kailangang umuwi na ang pinsan niya or else deads sya. Nililinis na niya ang mga nabasag na figurine dahil sa nakakatakot na boses ni Tita Aivon nang muling mag-ring ang phone.

BINABASA MO ANG
LOKAKOHAN
Teen FictionBadtrip na lovelife, nakakasawang buhay, eto na marahil ang buhay ng karamihan, tulad ni Celso. Ngunit ang lahat ay biglang magbabago dahil sa isang hindi inaasahang pagti-trip ng Kapalaran. Ano nga ba ang magagawa ng isang tao upang mahanap ang t...