II - Ang Teleserye Ng Buhay Nating Lahat

113 7 0
                                    


LOKAKOHAN (Chapter 2)

[6:30]

Naiinis na naman sa buhay si Celso. Traffic na naman sa kalsada. Tumaas na naman ang presyo ng mga bilihin ngunit ang buhay dito sa Pilipinas ay hindi pa rin umuusad.
Pagkatapos sermunan si Celso ng Nanay niyang tsismosa ay hindi na naman siya binigyan ng baon ng kanyang sugarol na ama. Sa huli niya na lang nalaman na magkaibang pares pala ng medyas ang nasuot niya. Samantalang minumura na siya ng tiyan nyang kanina pa kumakalam.
Gaya ng dati, nakita na naman ni Celso na nangongotong si Sarhento Palad sa mga jeepney drivers habang papasok siya sa eskwela at gaya ng dati, late na naman siya sa klase ni Ms. Sabunot.
"As usual you are late again", opening remarks ni Ms. Sabunot, "WHEN ARE YOU GOING TO CHANGE THAT BAD ATTITUDE?"
Si Ms. Sabunot ay mas mabangis pa sa leon, mukhang bulldog at mala-elepante ang hugis ng katawan. Hayop talaga ang teacher na ito. HAYUP!
Pinag-iinitan ni Ms. Sabunot si Celso dahil sa nalaman ni Celso ang sikretong relasyon nila Ms. Sabunot at Sarhento Palad. Naging napakalaki nitong issue sa eskwelahan at tinalo pa ang mga showbiz scandals na ibinubunyag ni Tito Boy. Actually itinanghal ito bilang isa sa 'TOP 10 BEST CHISMIS OF THE YEAR.'
"Now let's go back to our topic in Astronomy. I'll ask a question. Celso, ilang dangkal mula earth haggang moon?" tanong ni Ms. Sabunot kay Celso.
Pinagpawisan si Celso sa tanong ni Ms. Sabunot. Feeling nya nasa one million peso question sya ng 'WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE.'
"YOU DON'T KNOW THE ANSWER? THEN GET OUT! GET OUTTTTTTT!!!!" sigaw ni Ms. Sabunot.
Masunurin naman si Celso kaya lumabas siya. Naiinis na talaga siya sa araw na ito. Nakaupo siya sa bench ng kanilang school nang makita niya ang best friend niyang si Drew, na taimtim na nag-iisip kung bakit ba may mga bading na nabubuhay sa mundo. Nakita rin ni Drew si Celso at mabilis itong nilapitan kasabay ng nag-aalalang tanong nito.
"Pare anong problema mo?" tanong ni Drew sa kaibigan.
Tumingin ang mga malulungkot na mata ni Celso sa kanyang matalik na kaibigan na para ba gang nasa isang melodramang pelikula.
"Wala", sagot ni Celso.
"Alam mong kaibigan mo ako at mapagkakatiwalaan", sabi ni Drew sabay hawak sa balikat ni Celso. "sabihin mo, may nabuntis ka ba?"
"Anong nabuntis? Over OA ka naman. Wala akong nabuntis", sagot naman ni Celso.
"Aaaahh, ganun ba? Baog ka pala", sambit naman ni Drew sa kaibigan.
"Hindi ako baog", sabi naman ni Celso.
"Eh di nakabuntis ka nga. Nabuntis mo si Jessa? Kailan? Saan? Papaano?" sunud-sunod na tanong ni Drew.
"Maghanap ka nga ng kausap mo", sabi ni Celso kay Drew at 'di na ito pinansin.
"Eto naman hindi na mabiro. Ano ba talagang nangyari?" tanong ni Drew at tumabi na kay Celso sa pagkakaupo sa bench.
"Pinalayas ako ni Ms. Sabunot sa klase niya. Sobra na talaga ang galit niya sa akin", paglalahad ni Celso sa naganap.
"Hindi mo naman kasalanang makitang naglalandian sa Manila Bay sila Ms. Sabunot at Sarhento Palad, diba? Sabi mo pa nga para silang mga tuko nung araw na 'yun", sabi naman ni Drew.
"Tama. Dapat ang teacher ay maging magandang halimbawa sa mga estudyante! Hindi ko naman kasalanang kuhanan sila ng picture at aksidenteng maipakita sa Principal, diba?" sabi ni Celso at naalala ang dahilan ng galit ni Ms. Sabunot sa kaniya.
"Tama. Kaso di mo akalaing magiging adviser mo ngayon si Ms. Sabunot., 'yun lang talaga ang pagkakamali", sabi ni Drew.
"Kaya super laki ng problema ko", sabi naman ni Celso.
"Kasi nakabuntis ka nga", sabi naman ni Drew na binuhay ang topic kanina.
"HINDI NGA AKO NAKABUNTIS!!" sigaw naman ni Celso na narinig ng buong campus.
"Ba't guilty ka?" tanong naman ni Drew.
"I can't paniwala you loko me!" may isang epal na boses na biglang nagsalita.
Nang tingnan nila Celso at Drew kung sino ang nagsalita ay tumayo ang lahat ng balahibo nila. Ang pinakabrutal na tao sa balat ng lupa ay nasa harapan nila. Marahil pati si Hitler ay luluhod sa kanya, or maybe luluhuran niya.
Siya ang pinakamaarte, pinakagarapal at pinakamalanding bading sa buong galaxy. Siya ay walang iba kundi si - Yago.
"Lumayo ka sa amin. Layuan mo kami. Wag mo kaming lapitan! Isa kang VIRUS!" sabi ni Drew kay Yago at binugaw-bugaw na parang langgaw.
"Ayokong matulad sa mga taong may tulo. Lumayo ka sa amin!" sabi naman ni Celso na may hawak-hawak ng baseball bat.
"What is my kinalaman about tulo?" tanong niYago na naguguluhan.
"Ang cavity nakaka-cause ng AIDS", sagot naman ni Drew na may hawak ng laser sword na itinapon nya rin.
"Wala me care! Malinis ang bibig ko. Papa Celso how could you make buntis someone?" tanong ni Yago kay Celso.
"Anong sabi nya?" tanong ni Celso kay Drew.
"Naghahanap yata ng mabubuntis", sagot naman ni Drew.
"Remember, you sabi to me, ako lang ang lovi-dove mo forevermore? But now I knew, you loko me", sabi ni Yago na may kasamang emote.
"Pwede bang tigilan mo ko, lakas mo mag-ilusyon", sabi naman ni Celso kay Yago at trip ng banatan si Yago.
"Plantsahin ko kaya dila nito para umayos sa pagsasalita?" tanong naman Drew na nagyaon ay may hawak ng plantsa.
Nag-ring na ang bell at umalis na sila Drew at Yago para bumalik sa kani-kanilang classroom. Ilang bell din ang narinig ni Celso hanggang sa marinig na niya ang huling bell na hudyat na ng uwian. Alas dose na at nakatingin lang si Celso sa mga taong parang langgam na nagsisilabasan sa gate ng school.
Nakita ni Celso si Ms. Sabunot na pumasok sa isang black na kotseng kuba. Si Yago ay nagflying kiss pa sa kaniya na nagbigay sa ng kakaibang pagkatakot. Si Drew ay nadapa pa bago umalis. At sa wakas nakita na ni Celso ang babaeng hinihintay nya................................... si Jessa.
Si Jessa ay girlfriend ni Celso simula pa noong isang lingo. Apat na taon nya itong niligawan at last week ay naging sila. Masyadong memorable ang scene. Nasa gilid sila ng isang ilog na halos lumulutang na ang mga isda dahil sa gabundok na mga basura rito. Napakaraming langgaw dito at napakabaho ng surroundings.
Noong una ay ayaw pa ni Jessa, pero nang sabihin ni Celso na magpapakamatay ito kapag 'di siya nito sinagot, sa wakas ay sumagot na ito ng,"oo". At ang mga lamok, ipis at langaw ay nagpalakpakan.
"Jessa!" tawag ni Celso kay Jessa habang tinatanggal ang mga agiw at sapot ng gagamba na nasa katawan nya dahil sa tagal ng paghihintay nya sa bench.
Dumiretso lang sa paglalakad si Jessa.
"Kamusta?" tanong ni Celso kay Jessa.
Mas bumilis ang lakad ni Jessa at 'di pinansin si Celso.
"Sabay na tayo umuwi", sabi ni Celso na pilit hinahabol si Jessa.
Nakaboots of travel na si Jessa sa sobrang bilis nitong maglakad.
"Celso", sabi ni Jessa at huminto sa paglalakad, "please layuan mo na 'ko."
Mabuti nalang at ginamit ni Celso ang Scroll of Town Portal at naabutan ang mga sinabi ni Jessa. Nabigla naman si Celso sa narinig.
"Bakit? Anong nangyari? Ok naman tao diba? Sabihin mo!" mariing sinabi ni Celso kayJessa.
(BACKGROUND MUSIC = I Don't Love You by My Chemical Romance)
"Hindi na kita gusto, tapos na tayo. Alam kong nakabuntis ka!" mariin namang sagot ni Jessa. "Wag ka na magdahilan!"
Totoo nga na ang chismis ay mas mabilis pa sa speed of light kumalat.
"Pero hindi 'yun totoo, saka -------", 'di na natapos si Celso sa pagasalita.
"Break na tayo", bigla kasing sumabat si Jessa.
Ouch! Ang sakit to the max! (Mas lumakas ang tugtog ng BACKGROUND MUSIC).
Papaalis na si Jessa nang muling magsalita si Celso at napahinto si Jessa. Para bang sa mga drama series.
"Kapag umalis ka", madramang sabi ni Celso na pwedeng pang BEST ACTOR AWARD, "magpapakamatay ako".
Naging effective na ito noon kaya sure si Celso na eepekto ito at makakakuha ng simpatya.
"Eh di magpakamatay ka!" sagot naman ni Jessa.
Umalis na si Jessa at naiwan si Celso..........................mag-isa.
(BACKGROUND MUSIC GETS LOUDER.......When You Go!! Would You Even Turn To Say Hey---)

LOKAKOHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon