LOKAKOHAN (Chapter 8)
[14: 40]
Maganda ang Maynila. Puro basura sa daan, polusyon, mga taong hindi marunong sunmunod sa batas trapiko, nagkalat na street children (with families and friends), vandalism sa pader at tadtad ng krimen kahit saan. Maganda rin ang structure ng Manila. May mga lubak-lubak na kalsada, mga ayos na kalsada na tinibibag ulit upang may magpagkuhan ng korapsyon ang mga politiko naglalakihang abandunadong building na tinirhan na ng mga tao, mga tulay na hindi matapos-tapos kaya tinirhan na lang ng mga tao at patung-patong na mga sira-sirang basura na tinirhan na rin ng mga Pilipino.
Pero hindi ito ang kwento ko, nasingit lang. Sa isang baku-bakong kalsada umaalpas ang isang pulang van. Narito sa loob ang tatlong tao na may kinalaman sa kwento ko. Nangangamba ang driver na baka mahuli siya ng mga buwayang pulis dahil sa tulin ng kanyang pagtakbo. Samantala ang isa pang lalaki ay inaalagaang mabuti ang lalaking kanilang kinidnap. Tinali niya ang kanilang hostage at binusalan ang bibig ng isang malaking ponkan.
"Pweh!" sambit ng hostage na si Celso nang matanggal niya ang malaking ponkan sa kanyang bibig."Sino ba kayo? Bakit niyo ko kinidnap? Pakawalan nyo na 'ko! Hindi naman ako kamag-anak ng pulitiko at wala akong dugong Chinese."
"Pasaway ka, aba't natanggal mo. Kung hindi lang inutos sa amin na huwag ka saktan, makakatikim ka sa akin eh," sabi ng kalbong malaki ang katawan, mukhang bouncer sa mga club at mukhang 30 something na taga-bantay ni Celso.
"Saan niyo ba ako dadalhin? Miyembro ba kayo ng MILF, Abu Sayaff o ng ISIS?" tanong ng naguguluhang si Celso.
"Tumiwalag na kami sa fraternity na yun last year pa, dude!" sagot naman ng bruskong driver na mukhang kargador sa piyer, salot ng lansangan na mukhang nasa late 20's na kay Celso na matiyagang nakaalerto sa mga mga buwayang pulis.
"Siguro mga PNP kayo na may kasong di ma-solve kaya kung sinu-sino na lang ang pinupulot niyong suspect!" sabi ni Celso na lubos nang naguguluhan sa nagaganap.
"Lolz, di namin pinangarap maging peste ng lansangan, dude!" sagot naman ng bruskong driver.
"Mga kidnappers kayo. Kilabot ng Instik, Kano, mga anak ng pulitiko, mga nananalo sa lotto at marami pang ibang tao na ginagawang Diyos ang pera kaya naman bakit ako ang napagtripan niyong kidnapin? Hindi naman ako mayaman," tanong ni Celso sa dalawang kidnappers.
"Tumahimik ka! Kapag hindi ka tumahimik, puputulin ko 'yang dila mo!" sabi ng katabing kidnapper ni Celso na malaki ang katawan at naglabas ng blower, pero pinalitan ng gunting.
"Icey cool, dude! Wag kang maging hot chocolate. Remember kailangan siyang maging safe and sound sa atin," paalala ng bruskong driver sa kasamahan nitong kidnapper.
Kinabahan si Celso. Bakit masyado siyang special? Bakit kailangan siyang ingatan? Balikbayan box ba siya? Pero ngayon ay alam na niya kung paano lalaban. Kung masyado siyang improtante sa mga ito, sigurado siyang hindi siya sasaktan ng mga lokong ito.
"Alam niyo mas cute sana kayo kung paharap sa mukha niyo tumubo ang buhok nyo, para kamukha niyo na si Sadako!" opening remarks ni Celso sa pang-aasar sa mga kidnappers. "Ngayon nakaka-appreciate na ako ng arts. Puro abstracts mga mukha niyo. HAHAHAHAHAHA!!!!"
"Daig mo pa pumutak ang manok. Napakaingay mo!" sabi ng katabing kalbong kidnapper ni Celso nakanina pa nagtitimpi pero hindi siya magawang magawang saktan.
"Oo naman, mukha kayong itlog eh! Mukhang scrambled egg iyang mga mukha niyo. HAHAHAHAHAHA!" tumawa muli si Celso sa corny niyang joke ngunit hindi na pinansin si Celso ng mg kidnappers na inaasar nya. Nagtaka naman si Celso kung bakit hindi na nainis ang dalawang kidnappers.
![](https://img.wattpad.com/cover/64029247-288-k373761.jpg)
BINABASA MO ANG
LOKAKOHAN
Novela JuvenilBadtrip na lovelife, nakakasawang buhay, eto na marahil ang buhay ng karamihan, tulad ni Celso. Ngunit ang lahat ay biglang magbabago dahil sa isang hindi inaasahang pagti-trip ng Kapalaran. Ano nga ba ang magagawa ng isang tao upang mahanap ang t...