LOKAKOHAN (Chapter3)
[12:30]
Napadpad si Cinomed sa Pilipinas. Dito siya pumunta kasi napag-alaman nya na rito sa Pilipinas malaki ang percentage ng mga taong qualified pumunta sa impyerno.
Labis na natutuwa si Cinomed sa bansang ito at nais na niya itong tawaging 'sariling tahanan'. Hindi ito naiiba sa impyerno dahil punung-puno ito ng kaguluhan sa ibat-ibang lugar na itinuturing na 'tourist spot' ng mga masasamang loob. Kaya naman wala na raw itong pag-asa at karamihan sa mga tao rito ay nangingibang bansa na at ikinahihiya na ang kanilang citizenship. Sila ang mga taong kung tawagin ay mga 'American Brown Chocolate' o ABC.
Walang kinalaman si Cinomed sa mga bagay na ito ngunit nais niyang mas guluhin pa ang Pilipinas. Palutang-lutang niyang minamasdan ang kapaligiran nang may tumawag sa kanya bigla.
"Bro, mabuti naman at nakita kita!" sabi ng isang lalaki.
"Nakikita mo ako?" gulat naman na tanong ni Cinomed.
"Nakakaintindi ka ba? Kasasabi ko lang diba? Kakausapin ba naman kita kung hindi kita nakikita, Cinomed?" sarcastic na sagot ng lalaki.
"Whattaness? Aba akalain mo nga naman kilala na pala ako rito. Sikat na pala ako! May third eye ka ba?" tanong ni Cinomed.
"Naku, wag ka nga magpantasya. Isa rin akong demonyong nagpapanggap na tao. Ako si Monde. Narito ako para i-guide ka sa mundong ito", pagpapakilala ni Monde.
"Naku mahihirapan ka. Kaya nga pagiging akyat bahay ang propesyon ko noon kasi mahina ako umintindi", sabi naman ni Cinomed kay Monde.
"Wag ka mag-alala, madali lang ito. Halos parehas lang ang mundo natin sa mundo ng mga tao. Maraming kademonyohan ang nagaganap dito. Tumingin-tingin ka sa paligid mo. See the look", kwento naman ni Monde.
Sa isang TV Shop, ipinapalabas sa TV ang SONA ng Pangulo. Gaya ng dati ang sabi ay, "Ibabangon ko ang Pilipinas! Magpatayo ako ng mga gusali at tulay para sa ilog ng Cubao!"
Biglang may nagsalita ng, "Wala pong ilog sa Cubao!"
Kaya naman sumagot ang pangulo ng, "Magpapatayo ako ng ilog sa Cubao!"
Sa kabilang kanto naman, talamak ang pagbebenta ng mga pirated DVD at CD. Kasama rito at mabentang-mabenta ang scandals nila Sadako, R2D2 at Shrek.
"Wow!" sabi ni Cinomed "gusto kong tumulad sa kanila".
"Simple lang yan. Magagawa mo yan kung magpapakatao ka," sabi ni Monde.
"May point ka don, ah!" sabi ni Cinomed.
"Simple lang yan. Isipin mo na kaya mo," sabi ni Monde.
"Wala ka na bang ibang dialogue kundi simple lang yan," tanong ni Cinomed.
"Wala ka na bang alam gawin kundi umangal?" Sabi ni Monde."Pumikit ka. Mag-isip ka ng isang magandang itsura na sa tingin mo ay bagay para sayo."
Pumikit na nga si Ciomed at nagconcentrate. Nag-isip siya ng isang mukha na babagay para sa kanya at nagtransform bilang si .......... Cristine Reyes (na reding-ready for sexy pictorial).
Halos lumuwa ang mga mata ni Monde.
"ANO BANG KAHIBANGAN YAN? LALAKI KA DI BA? ULITIN MO!" sigaw ni Monde kay Cinomed na nanlalaki ang mga mata dahil sa nakita at isa pang di ko pwedeng sabihin.
"Sabi mo magandang itsura na bagay sakin. Akala ko magiging ka-partner ko, sayang naman. Di mo naman sinasabing magiging itsura ko. Saka crush ko kasi yun nakita 'ko sa poster kanina," sabi ni Cinomed habang nakatitig sa sexy body niya.
"Common sense lang yun," sabi ni Monde at pinipilit na tumingin sa ibang lugar ngunit di mapigilan ang sarili sa pagitig kay Cristine Reyes.
Inulit ni Cinomed ang transformation at naging maayos ang kanyang itsura. Nagmukha syang teenager at japorms.
"Sa wakas natumbok mo. Sige Cinomed mag-iingat ka," sabi ni Monde at biglang naging seryoso ang mukha. "Ayon sa mga spy agent natin, nainform na ating 'Hell Security Agency' na ang 'Heavens Forces' ay nagpadala rin ng kanilang agent para pigilan ka sa misyon mo".
"Really? Oh my----" sambit ni Cinomed.
"English yun ah. Ilang years mo yon pinag-aralan? Basta always keep alert," babala ni Monde at naghanda na sa pag-alis.
"Wait lang, ano bang misyon mo rito?" tanong ni Cinomed.
"Idi-deliver ko lang itong drugs sa mga regular consumers ko," at umalis na nga si Monde dala-dala ang isang maleta at iniwan si Cinomed na nagpasyang maglibot-libot.
Sa isang banda naman, narito si Celso. Masyadong masakit ang naganap sa kaya, puro kamalasan. Ang pinakamasakit sa lahat ay nang marinig niyang walang pakialam ang girlfriend niya kahit pa mamatay na siya. Hindi siya sure kung magpapakamatay na siya. He needs a sign. Naglalakad naman si Cinomed sa di kalayuan at dahil sa lumilipad na isip ni Celso hindi niya ito napansin at nagkabanggaan ang dalawa. Lumipad ang wallet ni Celso, shoot sa kanal.
"ANAK NG MALAS! ANG WALLET KO!" sigaw ni Celso.
Natataranta naman si Cinomed at hindi alam ang gagawin.
"PURO KAMALASAN! SAWANG-SAWA NA KO! GUSTO KO NANG MAGPAKAMATAY! Sigaw ni Celso dahil sa naganap.
Biglang napatigil sa pagkataranta si Cinomed at nabuhayan ng loob dahil sa narinig. Nakita na nya ang target nya.
"Gusto mo tulungan kita?" tanong ni Cinomed sabay smile.
BINABASA MO ANG
LOKAKOHAN
Teen FictionBadtrip na lovelife, nakakasawang buhay, eto na marahil ang buhay ng karamihan, tulad ni Celso. Ngunit ang lahat ay biglang magbabago dahil sa isang hindi inaasahang pagti-trip ng Kapalaran. Ano nga ba ang magagawa ng isang tao upang mahanap ang t...