IX - Ang Paboritong Kasalanan Ay Nagaganap Bago ang Kasalan

54 4 0
                                    

Lokakohan (Chapter 9)

(15:01)

          Mamamatay na yata si Celso sa takot dahil ang Obusumus ay walang iba kundi ang pinakamalanding bading sa daigdig, si Yago. Nakakahindik balahibo man, sa papaanong paraan naging Obusumus si Yago? Samantala ayaw na isipin ni Celso ang dahilan kung bakit pinakidnap siya ni Yago. Tumitig nang may halong pagnanasa si Yago kay Celso. Kinabahan si Celso.

          "You know it, you know. I was so hurt. It was very ouchie because you loko me! It was sakit to know you buntis someone!" biglang sampal kay Celso matapos  ang mala-kontrabidang dialogue ni Yago." Pero look now, I was very saya, you know because magkasama na you and me!" Tuwang-tuwa si Yago sa nakakairita nyang taglish speaking at nagsimulang  nakikipagharutan kina Maksim at Liandro na tumatalun-talon pa.

          "Yago anong balak mo sa akin? Pakawalan mo ko. Alam mo ba na sa ginagawa mo ngayon mas nandidiri ako sayo?" sinabi ni Celso na gusto na duraan si Yago at unti-unti nang kinakabahan.

          "No, no, no! Hindi, hindi, hindi!You know, Wala na you magagawa! Now, you are the alay for the Obusumus, you know, for me. Therefore we must live happily ever after!" sabi ng parang text lang na pananalita ni Yago at muling nakipagdanlian kina Maksim at Liandro.

          Pinipilit ni Celso makawala sa pagkakatali sa kanya ngunit masyadong mahigpit at hindi niya ito maikalag. Alam ni Celso na may masamang balak si Yago sa kaniya at hindi siya makakapayag. Samantala, maligaya naming nagsasasayaw si Yago habang tinititigan si Celso ng malagkit.

         "Magsisimula na ang pag-aalay!" sabi ni Maksim na hudyat ng pagsisimula ng kalbaryo ni Celso. Nagsimulang magpatugtog ng  "Bad Romance" ni Lady Gaga.

         "Simulan na ang selebrasyon, dude!" sabi naman ni Liardo na inihanda na ang sarili upang sumayaw. Ngayon tatlong ugok na ang sumayaw sa harapan ni Celso na nagbigay ng pagkaasiwa sa kanya.

          "PAKAWALAN NYO NA KO!!!" sigaw ni Celso at tumigil sa pagsayaw ang tatlong ugok. Nawala sa kadiliman sila Maksim at Liandro. Nakangiting tumitig naman si Yago kay Celso sabay kindat. KInilabutan si Celso kasabay ng isang tanong, "Matagal mo na ba ginagawa ang pangingidnap ng mga kalalakihan? Paano mo sinimulan ang Bog5?"

          "There's a lot of bagay you don't alam about me, Celso. You know, I have a lot of followers. Facebook, Twitter, Instagram, name it. There ako nakakaspot ng mga targets. You know, I am mapera kaya binabayaran ko lahat ng recruits ko. I have pera. I have powers. Sa world na this, pera makes the world ikot. And you know what, meron ako this", kwento ni Yago at ipinakita kay Celso ang isang bote galing sa kikay kit nito at ininom. Napansin ni Celso na may bungo na sign ang bote. "Don't you worry, pagkatapos this, wala ka nang mareremember, gaya ng iba" sabi ni Yago hawak-hawak ang kikay kit nya.

         "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Celso sa nakakatakot na Yago.

         "I have black magic!" sagot ni Yago at ginalaw-galaw ang nguso matapos mag-lipstick. "You know, sinumang ma-kiss ko nagiging servant ko!"

         Nagulat si Celso sa narinig at walang nasabi kundi ............ "shit!"

         "Isn't amazing? Isn't surprising? Isn't? Maging sila Maksim at Liardo ay under control ko!" sabi ni Yago na may pinagayahan lang ng linya sa nagugulat na si Celso.

         "Ano naman ang kinalaman ng codename mo na 'Obusumus'?" tanong ni Celso na malapit ng masuka dahil sa mga naririnig.

          "Baligtarin mo!" hamon ni Yago kay Celso.

           "'OBUSUMUS'-'SUMUSUBO'. Oh my God!" sabi ni Celso na sobrang natakot.

          "BWAHAHAHAHAHAHAHA! It's not over til its over! I have surpresa for you!" sabi ni Yago na sobrang excited at hinila ang isang kutina na nagsilbing switch upang magbukas ang mga ilaw. Lumiwanag ang buong paligid at nagimbal si Celso sa itsura ng buong kwarto.Puting-puti ang buong kwarto at punong-puno ng mga rose petals ang sahig. Makikitaan ng sari-saring bulaklak ang paligid. Sa harap ni Celso ay naroon si Maksim na naka-itim na toxedo. Si Liardo ay naka-itim na tuxedo rin habang nakaupo sa itim na upuan sa harapan ng isang itim na piano. Nagsimulang magpiano si Liardo sa saliw ng tugtuging, "A thousand Years" ni Cristina Perri.

LOKAKOHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon